Paulo Avelino, Maja Salvador nagbardagulan sa Twitter, sequel ng 'I'm Drunk, I Love You' tuloy na? | Bandera

Paulo Avelino, Maja Salvador nagbardagulan sa Twitter, sequel ng ‘I’m Drunk, I Love You’ tuloy na?

Therese Arceo |April 11,2023
facebook
share this

Paulo Avelino, Maja Salvador nagbardagulan sa Twitter, sequel ng ‘I’m Drunk, I Love You’ tuloy na?

Therese Arceo - April 11, 2023 - 05:13 PM

Paulo Avelino, Maja Salvador nagbardagulan sa Twitter, sequel ng 'I'm Drunk, I Love You' tuloy na?

TRENDING ngayon ang aktor na si Paulo Avelino matapos itong makipagkulitan sa mga fans at supporters nito.

Kahapon, talaga namang naging super active ang aktor sa social media. May pa-“#AskPau” pa nga ito sa Twitter para makipag-catch up at makipagbardahan sa mga netizens.

Agad namang kinagat ng madlang pipol ang pakulo ni Paulo at nagtanong ng mga matagal na nilang gustong malaman ukol sa aktor lalo na ang tungkol sa mga bago at nagdaang proyekto nito.

Isa na nga sa mga inusisa ng netizens ay kung papayag ang aktor kung may continuation ang “I’m Drunk, I Love You”.

Matatandaang ang naturang pelikula ay ipinalabas noong 2017 na pinagbidahan nina Paulo bilang si Dio at Maja Salvador bilang si Carson sa direksyon ni JP Habac.

“Are u g (game) if may continuation ang im drunk i love you??” tanong ng netizen.

Sagot ni Paulo, “Si Maja lang hinihintay. Siya kulitin niyo wag ako.”

Matapos ang ilang minuto ay nag-tweet naman si Maja ng “script kalakip ang GIF ng famous scene ni Bea Alonzo sa “Four Sisters And A Wedding” movie na may line na “Parang kasalanan ko” na tila sagot sa tweet ng aktor.

Dito na nga nagsimulang ma-hype ang mga netizens sa online bardagulan nina Maja at Paulo.

Baka Bet Mo: Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

Tila sagot rin ang sumunod na tweet ng aktres na GIF mismo ng kanyang eksena sa “Wildflower” na may linyang “Wag Ako.”

Marami sa mga netizens ang talaga namang na-excite sa sagutan nina Paulo at Maha at agad na tinawag ang pansin ni JP Habac na siyang nagdirek at nagsulat ng naturang pelikula.

“@jphabac direk ikaw na lang, pakigalaw po ang baso,” sabi ng isang netizen.

“Kailangan n’yo po ba ng gc?” dagdag ng isa pa sabay tag kina Paulo, Maja, at JP.

Ang naturang pelikula ay umiikot sa kwento ni Carson na 7 years nang may nararamdaman sa bestfriend niyang si Dio. Nagpunta ang dalawa sa La Union bago ang kanilang graduation na naging daan para maamin ng dalaga ang matagal na niyang feelings sa binata.

October 2018 nang unang maglabas ng patikim si Direk JP ng sequel ng pelikula na may working title na “I Love You, I Do” na iikot pa rin sa istorya ng karakter nina Paulo at Maja.

January 2019 naman nang sabihin niya na ginagawa na nila ang script ng pelikula kasama si Kristin Barrameda.

Magpasahanggang ngayon ay wala pang balita kung kailan magsisimula o iri-release ang naturang sequel ng pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Janine Gutierrez, Paulo Avelino naghiwalay na raw kahit hindi pa inaamin ang relasyon sa publiko?

Janine super iwas pa rin sa isyu ng relasyon nila ni Paulo, pero humirit ng, ‘Alam n’yo na iyan, gets n’yo na ‘yan!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending