Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin? Bandera

Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

Reggee Bonoan |January 23,2022
share this

Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

Reggee Bonoan January 23, 2022 - 03:17 PM

Paulo Avelino at Janine Gutierrez

SA “Truth Or Dare” benefit interactive show para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Katimugan nitong nagdaang Biyernes ay sina Paulo Avelino at JC de Vera ang naging special guests.

Talagang ibinuking ng mga hosts na sina Darla Sauler at Alora Sasam ang dalawang aktor na ikinaaliw naman ng mga nanood ng show.

Sa isang bahagi ng programa ay sinorpresa si Paulo ng kanyang leading lady sa katatapos lang na iWant series na “Marry Me, Marry You” na si Janine Gutierrez na nakatuluyan ng aktor sa kuwento.

Ang bati ni Janine bilang si Cam-cam kay Paulo na gunamap namang Andrei sa serye, “Andrei ‘wag ka nang magtampo dahil kahit na hindi tayo magkasama ngayon ay alam mong nandito si Cam-cam mo para sa ‘yo.”

Sina Darla at Alora ang kinilig samantalang nakangiti naman si Paulo at sabay tawag sa dalaga para tanungin ang pinatatanong ng netizens, “May question, type mo raw ba ako?”

Ang sagot naman ng dalaga sa kabilang linya, “Tawag ka ulit pag umabot ng P2 million (ang nakolektang donation).”

Mabilis na tanong ni Pau, “(So) sasagutin mo na ako kapag umabot ng 2 million?”

Hirit ulit ng aktor kay Janine, “Jojowain ba ako o totropahin mo raw ba ako?”

“Pinakasalan na nga kita, eh (sa kanilang serye),” sagot naman ng aktres.

Napahiyaw naman sina Darla at Alora sa narinig.

“E, sa show (yun), di ba?” balik-tanong ni Paulo kay Janine.

“Dahil naka-two million kayo, jojowain,” klarong sagot ng dalaga.

Idinaan ni Janine sa biro ang sagot niya kay Paulo at marami ang naniniwalang half-meant ito at kakaiba rin daw ang kislap ng mga mata ng dalaga, huh!

Anyway, hindi naman kasali si Janine sa mga isinagot ni Paulo kung sino sa mga naging leading lady niya ang kinilig siya.

“Si Angge (Angelica Panganiban), si Angel (Locsin) at si Bea (Alonzo),” sabi ng aktor.

Si Angge ay nakasama ni Pau sa “Walang Hanggang Paalam” na ipinalabas noong September, 2020 at nagtapos ng Abril, 2021; si Angel naman ay sa “The General’s Daughter” na umere noong 2019 at si Bea ay sa seryeng “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” taong 2014 at sa pelikulang “Kasal” noong 2018.


Samantala, sina Angelica at Angel din ang dalawang napili ni JC na nagpakilig din sa kanya na nakasama niya sa Kangk’s show at sa “The General’s Daughter” respectively.

Sa mga aktor ay idol ni Paulo sina Piolo Pascual, Jake Cuenca, JC, Daniel Padilla at Enrique Gil, samantalang si JC ay binanggit din niya ang pangalan ni Paulo, Papa P, Daniel Padilla, Gerald Anderson at Empoy Marquez.

Nakalikom naman ng P109,000 ang dalawa sa mahigit dalawang oras nilang pakikipagkulitan sa manonood at base sa statistics ay 203 pamilya na ang matutulungan ng halagang ito.

Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

Paulo, Jake ibinuking ni Janine: Pareho silang bully, lumabas ang tunay nilang pagkatao! Char!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending