Donna Cruz batambata pa rin ang itsura sa edad na 46, parang 'twin sister' lang ang panganay na anak | Bandera

Donna Cruz batambata pa rin ang itsura sa edad na 46, parang ‘twin sister’ lang ang panganay na anak

Ervin Santiago |April 09,2023
facebook
share this

Donna Cruz batambata pa rin ang itsura sa edad na 46, parang ‘twin sister’ lang ang panganay na anak

Ervin Santiago - April 09, 2023 - 12:12 PM

Donna Cruz batambata pa rin ang itsura sa edad na 46, parang 'twin sister' lang ang panganay na anak

Donna Cruz at Belle Larrazabal

“SANA ALL!” Yan ang nagkakaisang reaksyon ng mga netizens nang bumandera ang litrato ng singer-actress na si Donna Cruz at ang panganay nitong anak.

Napa-wow ang fans ng tinaguriang original multimedia star dahil parang hindi raw siya tumatanda at ang feeling nila mas bumata pa nga raw si Donna ngayon makalipas ang ilang dekada mula nang mamahinga siya sa showbiz.

In fairness, base sa litrato sa social media na ibinahagi ni Donna na nagpasikat sa hit OPM song na “Kapag Tumibok Ang Puso“, parang twin sisters lang daw sila ng anak niyang si Isabella Adriana.

Si Isabella o mas kilala sa tawag na Belle, ang panganay ni Donna sa  kanyang asawang si Yong Larrazabal na kamukhang-kamukha nga ng singer-actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donna Cruz Y. Larrazabal (@donnacruzofficial)


Makikita sa photo na ipinost ni Donna sa Instagram na pareho sila ng hairstyle ni Belle. Kuwento niya, kuha ito habang nagba-bonding sila ng anak kamakailan lamang.

“Kahapon po, after having lunch and spending time with my beautiful cousins – Gen and Glends and our dear friend Arls, kami naman po ni Belle @bellabelleyl ang nag bonding sa  salon para magpa cut ng hair. #summerhair #motheranddaughter,” ang nakasaad sa caption ng IG post ni Donna.

Baka Bet Mo: Aiko hirap na hirap sa ‘Prima Donnas 2’: Sa last day ko sa taping, humahagulgol ako!

Base sa reaksyon ng mga netizens, pwedeng-pwede ring mag-artista ang anak ni Donna at looking forward sila na mapanood ang mag-ina sa telebisyon na kumakanta o umaarte.

Narito ang ilan sa mga komento ng IG followers ni Donna sa tila pinagbiyak na bunga nilang itsura ng anak na si Belle.

“Love this!” ang comment ng Kapamilya singer-actress na si Karylle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donna Cruz Y. Larrazabal (@donnacruzofficial)


“Grabe hindi ka tumatanda at all!” sabi naman ni Christine Babao.

“Magkamukha talaga kayo ng anak mo idol donna cruz,” sabi ng isang netizen.

“Hating hati kayo ni doc yong sa hitsura ni belle. Nose down iyo, eyes up doc yong,” sey ng fan.

“Grabe gaganda parang kambal lang,” papuri ng isa pang netizen.

“Ang ganda ganda ni Belle! Mana syempre kay Mommy!” comment ng isa psa.

“Both are so beautiful. Carbon copy niyo Ms. Donna,” papuri ng isa pang IG user.

Mensahe naman ni Donna sa lahat ng nag-post ng magagandang salita patungkol sa kanila ng anak, “Thank you so much, everyone! Much love, Donna and Belle.”

Matatandaang ikinasal si Donna sa asawang opthalmologist na si Yong Larrazabal noong September 19, 1998, makalipas ang pitong na buwan ng kanilang engagement.

Bukod kay Belle, may dalawa pang anak sina Donna at Yong – sina Potenciano IV o Cian at si Iñigo Renato o Gio. Sa Cebu pa rin sila naninirahan hanggang ngayon.

Zeinab kinausap si Andrew E ukol sa hit song na ‘Humanap ka ng Pangit’: Kahit pangit ngayon ay nagloloko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jillian Ward pag-aagawan ng 2 lalaki: Yes po, at aabot talaga sila sa pisikalan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending