Aiko hirap na hirap sa ‘Prima Donnas 2’: Sa last day ko sa taping, humahagulgol ako!
Aiko Melendez
“NAGAWA ko ba talaga yun?” Ang reaksyon ng Kapuso actress na si Melendez nang mapanood ang ginawa niyang baliw-baliwan scenes sa book 2 ng afternoon series na “Prima Donnas”.
Hindi pa rin makapaniwala si Aiko na naitawid niya nang bonggang-bongga ang mahihirap na eksenang ipinagawa sa kanya sa nasabing teleserye.
Challenging na raw ang mga pinaggagawa niya sa book 1 ng “Prima Donnas” bilang si Kendra kung saan dalawang best supporting actress award ang napanalunan niya.
Pero sey ng aktres, mas pinahirapan pa raw siya book 2 dahil lahat na yata ng klase ng emosyon ay ipinakita niya rito, lalo na ang mga eksena niya sa mental hospital.
“Hirap na hirap ako sa role ko. Mas challenging siya kaysa book 1. There were days na nawawala ako, kasi ang dami ko ring ginagawa sa labas as I am running for congress sa election,” pahayag ni Aiko sa online presscon ng “Prima Donnas.”
Kuwento ng actress-politician, talagang kinarir niya ang bawat eksena niya sa serye, “First of all, I want to thank Direk Gina Alajar kasi inalalayan niya talaga ako.
“When I was watching the trailer nga and I saw myself in the baliw scenes, hindi ako makapaniwala.
“Nagawa ko ba talaga ‘yun? Pero ang ganda talaga ng journey ni Kendra but mahirap siya gawin.
“Sa last day ko sa taping, humahagulgol ako kasi we have all built a family ng mga co-stars ko. Bihira ang soap na inaabot nang ganito katagal,” lahad pa ni Aiko.
Sabi naman ni Direk Gina, “Aiko really surpassed herself. Nalampasan niya ang acting niya sa book one. We thought it best na, sa book two, let’s show ang pinanggagalingan ng galit ni Kendra.
“Kung bakit matindi ang gusto niyang makuha ang pagmamahal ni Wendell Ramos as Jaime at ang crown ni Chanda Romero as Lady Prima. So inisa-isa namin ang mangyayari sa kanya until she loses her sanity,” pahayag ng veteran actress at direktor.
Dagdag pa niyang papuri sa aktres, “You know, we are very happy sa acting ni Aiko, kasi nabigyang justice niya talaga what we had in mind for the character.
“And also, ang maganda, she did it na walang ka-effort-effort. Walang pagta-trying hard. You know it’s coming from within her, from her heart.
“She really did it with flying colors and we won’t be surprised if she’d win more awards for her performance here,” aniya pa.
Ngayong linggo na magsisimula ang fresh episodes ng “Prima Donnas” sa GMA Afternoon Prime. Bida pa rin dito sina Jillian Ward, Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijah Alejo with Katrina Halili at Wendell Ramos.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/294763/hindi-ako-naghihirap-pero-hindi-ko-rin-masasabing-mayamang-mayaman-ako
https://bandera.inquirer.net/303128/4-na-bida-ng-prima-donnas-keribels-nang-magka-loveteam-pero-handa-na-bang-magka-boyfriend
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.