Jillian Ward pag-aagawan ng 2 lalaki: Yes po, at aabot talaga sila sa pisikalan! | Bandera

Jillian Ward pag-aagawan ng 2 lalaki: Yes po, at aabot talaga sila sa pisikalan!

Ervin Santiago |March 22,2022
facebook
share this

Jillian Ward pag-aagawan ng 2 lalaki: Yes po, at aabot talaga sila sa pisikalan!

Ervin Santiago - March 22, 2022 - 07:45 AM

Vince Crisostomo, Jillian Ward at Will Ashley

Vince Crisostomo, Jillian Ward at Will Ashley

MAS lalo pang naging close ngayon ang tatlong bida ng GMA Afternoon Prime series na “Prima Donnas” season 2 na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

Ayon kay Jillian, na unang sumali sa “Little Miss Philippines” ng “Eat Bulaga” (2009) noong apat na taong gulang pa lamang siya, feeling thankful and grateful siya dahil natupad ang wish niya na magkaroon ng book two ang “Prima Donnas.”

“We now have greater camaraderie after the second lock in taping namin. Almost three years na kaming magkakasama and I’d say nag improve ang communication skills namin.

“Before we were quite childish, but ngayon, sabay-sabay kaming nagdadalaga,” pahayag ng Kapuso teen star sa naganap na online presscon ng GMA para sa tatlong lead stars ng “Prima Donnas.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Sa nasabing mediacon, natanong din si Jillian tungkol sa nag-viral na video sa social media kung saan makikita ang pag-aaway nila ng magaling na batang kontrabida na si Elijah Alejo.

“Prank lang po ‘yun. Ha-hahaha! Ako pa nga ang nagsasabi sa kanya kung anong dapat niyang sabihin sa akin para magmukhang nasasaktan talaga ako at nang maniwala ang mga tao.

“Well, it worked naman, but in real life, never kaming nag-aaway sa taping. Sa harap lang ng camera,” lahad ni Jillian.

Samantala, sa season 2 ng “Prima Donnas”, magkakaroon na ng love interest ang karakter ni Jillian na si Mayi, at hindi lang isa ang makakatambal niya sa serye kundi dalawang lalaki ang mag-aagawan sa kanya.

“Yes, may love triangle po kami nina Will Ashley and Vince Crisostomo as Nolan and Cedric. Pinag-aawayan nila ako at aabot sila sa pisikalan,” natatawang chika ng dalagita.

“Yes, madugo po ang away namin. Talagang duguan kami dahil kay Mayi,” sabi ni Will.

“Pero ang mas dapat nyong abangan ay kung sino ba ang makakakuha sa puso ni Mayi,” hirit naman ni Vince.
https://bandera.inquirer.net/297927/jillian-ward-ibinandera-ang-bagong-sasakyan-tinawag-na-next-marian-rivera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303128/4-na-bida-ng-prima-donnas-keribels-nang-magka-loveteam-pero-handa-na-bang-magka-boyfriend
https://bandera.inquirer.net/307136/jillian-ward-ready-na-sa-mature-roles-gusto-kong-ma-try-maging-mermaid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending