Chiyo dela Vega agree sa 'patama' post ni Xian Gaza ukol sa taong nagbo-broadcast sa publiko ukol sa pagiging unfaithful ng partner | Bandera

Chiyo dela Vega agree sa ‘patama’ post ni Xian Gaza ukol sa taong nagbo-broadcast sa publiko ukol sa pagiging unfaithful ng partner

|April 08,2023
facebook
share this

Chiyo dela Vega agree sa ‘patama’ post ni Xian Gaza ukol sa taong nagbo-broadcast sa publiko ukol sa pagiging unfaithful ng partner

- April 08, 2023 - 11:49 PM

Chiyo dela Vega agree sa 'patama' post ni Xian Gaza ukol sa taong nagbo-broadcast sa publiko ukol sa pagiging unfaithful ng partner

MUKHANG super agree ang controversial Cebu-based influencer na si Chiyo dela Vega sa post ni Xian Gaza ukol sa pagsasapubliko ng isang tao ukol sa panloloko ng kanilang partner.

Kahapon, April 7, ibinahagi niya sa kanyang Facebook page ang naturang post ng self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” at tila sang-ayon naman ito sa post ng social media personality.

“HAHAHAHAHAAHAHHAAHHAAHAHAH IT’S LIKE SAYING ‘HI, GUYS! NANGANGALIWA YUNG ASAWA KO AND IT’S OKAY! I DESERVE THIS!’,” saad ni Chiyo sa caption.

Ang naturang caption ay kinopya lang rin ng babae sa sinabi ni Xian.

Well, matatandaang trending si Chiyo matapos maugnay ang pangalan niya sa mag-asawang sina John Estrada at Priscilla Meirelles.

Ito ay nagsimula nang mag-patama ang beauty queen sa kanyang Instagram stories ukol sa “What to call a female that entertains married man?” pati na rin ang “Married men/women who chase single boys/girls are seriously so pathetic!”

Sa una ay palaisipan kung sino nga ba ang pinatutungkulan nito ngunit agad rin siyang natunton ng netizens dahil siya mismo ang nagbahagi ng mismong screenahot ng mensahe sa kanya ni Priscilla.

Base sa screenshot ay tinatanong ng beauty queen ang influencer ukol sa naging palitan nila ng mensahe ni John Estrada at nagpakilala pa ito bilang asawa ng aktor.

Baka Bet Mo: Xian Gaza pinapatamaan nga ba si Priscilla Meirelles: If hindi mo siya kayang iwan, ‘wag mong i-announce sa lahat na niloloko ka niya

Sagot naman ni Chiyo sa naturang screenshot ay nagkakilala raw sila ng aktor sa isang event sa Cebu kung saang pino-promote ng aktor ang teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo” kasama ang iba pang mga cast ng TV series.

Ayon rin sa screenshot ay aware ang Cebu-based personality na kasal na ang aktor at wala raw itong intensyon na patulan ito.

Ayon pa nga sa caption ni Chiyo sa wikang Bisaya, “hoy ante abe nakog okay nata…. igo ramn ko nitilaw gd kaisa rajd very light rajd kaayu to ay wala nako muusab kay way lami”

(Tagalog translation: hoy auntie, akala ko okay na tayo… tumikim lang ako isang beses, very light nga lang, hindi na ako umulit kasi hindi masarap.)

Agad rin itong dinelete ni Chiyo ngunit huli na ang lahat dahil may mga Marites nang nakapag-screenshot ng kanyang post.

Sa ngayon ay wala pa rin namang diretsahang pahayag ang dalaga ukol sa kanyang pagkakadawit sa isyu ng mag-asawa.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Chiyo hinggil sa isyung kinakaharap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Chiyo dela Vega dedma sa bashers, nag-post ng inspirational message sa kababaihan

Camille agree sa payo ni Maine sa nanay na nag-viral sa ‘Bawal Judgmental’, hindi raw pinilit ng magulang na mag-artista: ‘Ginusto ko naman yun!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending