Jerald Napoles rumesbak sa bashers ni Kim: ‘Kim is one of the most beautiful and most empowered artists…’
DINIPENSAHAN ng aktor na si Jerald Napoles ang kanyang dyowang si Kim Molina laban sa mga bashers nito online.
Sa kabila kasi ng mga natatanggap na papuri ng aktres ay may isang kumukwestiyon kung bakit si Kim ang napili napili para gumanap sa karakter bilang si Zsa Zaa Zaturnah.
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Jerald ang screenshot ng palitan nila ng komento ng netizen.
“Zsa Zsa Zaturnah was supposed to be really pretty like a goddess like Zsa Zsa Padilla and Eula Valdez who played that role. Why hire Kim?” tanong ng isang netizen.
Walang kaabog-abog na sagot ni Jerald, “Kim is one of the most beautiful and most empowered artists that fits the role as it should be.”
Dagdag pa niya, “I wish you have seen how she did it and how she looked before putting your self entitled comment here.”
Chika pa nga ni Jerald, napakarami ng mga natatanggap nilang papuri mula sa mga celebrities, vice president ng isang prestihiyosong paaralan, at maging sa mga first time musical viewers.
Ang mga ito raw ay pinuri ang “beauty and amazing talent” at tanging ang netizen lang ang tila kumukuwestiyon sa kanyang girlfriend.
Baka Bet Mo: Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan
“You are the only one criticizing her without even watching the performance. Initiating superficial judgment giving bias to your limited standard of beauty,”sey pa ni Jerald.
Ang netizen raw ang perfect example ng isang tao na nagiging masaya “from insinuating negative ideas of beauty”.
Hirit pa ni Jerald, “I hope kids won’t get these traits from the likes of you. And I hope a person will still see the beauty in him/her even if he/she encounters someone like you.”
Sa hiwalay na Facebook post ay nagpasalamat naman ito sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang girlfriend.
“Salamat po sa inyong suporta at mga nagmamahal sa kung anong biyaya ng Diyos na meron kame sa peperform ni Kim Molina. tandaan ANG GANDA AY HINDI SINUSUKAT LALO NANG HINDI MASUSUKAT NG IBANG TAO BUKOD SAYO !! At higit sa lahat PAG INGGIT, PIKIT!” sey ni Jerald.
Super appreciated naman ni Kim ang mga gestures ng nobyo upang protektahan at ipagtanggol siya sa mga negatibong komento laban sa kanyang minamahal.
“Love you Jerald Napoles,” sey niya sa caption kalakip ng screenshot ng pagdepwnsa sa kanya ng kanyang kasintahan.
Matatandaang si Kim ang latest na gumanap sa musical ng Zsa Zsa Zaturnah na nauna nang i-portray nina Zsa Zsa Padilla sa isang pelikula habang si Eula Valdez naman sa isa ring musical play sa Cultural Center of the Philippines.
Related Chika:
Anniversary hugot ni Jerald kay Kim: Ang fried chicken sa plain rice, ang wasabi sa sashimi…ngayon lang ako nakumpleto nang ganito
Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.