True ba, Willie humingi ng tulong sa NBI para ipa-lie detector test ang ilang staff? | Bandera

True ba, Willie humingi ng tulong sa NBI para ipa-lie detector test ang ilang staff?

Reggee Bonoan |April 05,2023
facebook
share this

True ba, Willie humingi ng tulong sa NBI para ipa-lie detector test ang ilang staff?

Reggee Bonoan - April 05, 2023 - 04:54 PM

Cristy Fermin at Willie Revillame

ISANG buwan na ang nakararaan mula nang maglabas ng audio recording ng isang male TV host ang “Showbiz Now Na” vlog sa YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Naglalaman ito ng mainitiang pag-uusap  ng male TV host at ng kanyang production staff. Ayon kay ‘Nay Cristy, ipinadala sa kanila ang audio na ini-record umano habang nagaganap ang kanilang meeting.

Base sa narinig namin ay sinabi ng host na, “Kaya kong magkaroon ng show kahit wala kayo.” Bukod dito ay pinagsalitaan pa ng masama ang mga kausap niya.

Ginamitan ng voice changer o voice enhancer ang ipinarinig na audio sa “SNN” para hindi makilala kung kaninong boses ito.


Kamakalawa ng gabi, Martes ay nakatanggap kami ng mensahe mula sa aming source na hinihingi umano ni Willie Revillame ang tulong ng National Bureau of Investigation o NBI. Ang tanong may kaugnayan nga kaya ito sa audio recording na ibinigay sa show nina Nanay Cristy?

Baka Bet Mo: Hamon ni Anjo kina Jomari at Abby: Magpa-lie detector test kami sa Camp Crame

Wala namang sinabing pangalan sina Nanay Cristy, Wendell at Romel Chika kung sino ang male TV host, pero ilan sa mga nabasa naming comment sa naturang vlog ay nabanggit ang name ni Willie.

Anyway, base sa mga pinagsasabi ng male TV host ay nasa meeting nga siya at obviously, isa sa mga ka-meeting niya ang nag-record ng mga pinag-usapan na ipinadala naman sa “SNN.”

At dahil dito ang lahat daw ng kasama sa nasabing meeting ayon sa aming source ay dadaan sa lie detector test. Sabi sa amin, “Kahapon, Lunes pina-NBI umano ang ibang staff ng TV host to undergo lie detector test para malaman kung sino ang nagpadala (ng audio).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Walang pupunta sa NBI o sasagot sa alegasyon hangga’t wala silang natatanggap na subpoena. If ever, may nga abogado rin silang ihaharap,” sabi sa amin.

May karapatang tumanggi ang mga staff na involved sa isyung ito dahil base sa nabasa namin sa Google, “No matter what tactics the police use against you, you are fully within your rights to refuse a polygraph test at any stage of the criminal justice process.”

Sa pagpapatuloy ng aming kausap, “May ibang pumunta na umano (NBI) last Monday para lang patunayang inosente sila.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Willie Revillame o ng kahit sino sa kampo niya. Sa ngayon huwag muna tayong manghusga habang wala pang linaw ang lahat.

Agad naming ilalathala ang magiging official statement ni Willie para sa ikaliliwanag ng isyu.

Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sikat na male personality noon feeling broke na nga ba matapos umalis sa dating manager?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending