Cristy Fermin excited na rin sa concert ni Sarah G, nakiusap kay Mommy Divine: Sana po matapos na ang inyong alitan | Bandera

Cristy Fermin excited na rin sa concert ni Sarah G, nakiusap kay Mommy Divine: Sana po matapos na ang inyong alitan

Pauline del Rosario |March 26,2023
facebook
share this

Cristy Fermin excited na rin sa concert ni Sarah G, nakiusap kay Mommy Divine: Sana po matapos na ang inyong alitan

Pauline del Rosario - March 26, 2023 - 03:58 PM

Cristy Fermin excited na rin sa concert ni Sarah G, nakiusap kay Mommy Divine: Sana po matapos na ang inyong alitan

BUKOD sa Popsters, isa rin sa super excited sa pagbabalik concert scene ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ay ang kolumnistang si Cristy Fermin.

Sa pamamagitan ng kanyang latest YouTube vlog na “Showbiz Now Na!” ay proud na inihayag ni Tita Cristy kung gaano siya natutuwa sa mga tagumpay ni Sarah.

Papuri niya sa singer, “Iba po talaga kapag ang isang konsyerto ay pinagbibidahan ng isang Sarah Geronimo tulad ng magaganap sa May 12…Ang layo pa pero halos sold out na. Iba kasi pag Sarah Geronimo.”

At dahil napag-usapan na nga sa YouTube video ni Tita Cristy si Sarah, hindi na pinalagpas ng kolumnista na banggitin ang matagal nang alitan sa pagitan ng singer at mga magulang nito.

Humiling pa nga ang kolumnista na bukod daw sa matagumpay na karera ay sana magkaayos na ang pamilya at dahil diyan ay iniisa-isa pa niya ang pagiging mabuting anak at kapatid ni Sarah.

“Mula nang kinasal sila ni Matteo Guidicelli, hanggang ngayon, wala po tayong naririnig na ano mang paghihiganti o ano man sa kanyang pamilya,” sey niya.

Chika pa niya, “Nakita naman po natin sa mga pinasasalamatan niya, una pa rin ang kanyang mga magulang.”

Baka Bet Mo: Mommy Divine inirereklamo raw ng kanyang mga empleyado ayon kay Ogie Diaz: Hindi ko lang ‘to first time narinig

“Sina Daddy Delfin at Mommy Divine pa rin ang nauuna sa tinatanawan ng utang na loob. Hindi ba napakasarap niyang tularan,” aniya.

Mensahe pa ng kolumnista para kay Mommy Divine, “Nakita niyo naman po, kahit ano pa ang nangyari, wala kayong naririnig na ano mang masama mula sa anak niyo…Sana po Mommy Divine, matapos na ang inyong alitan. ‘Yun ang dasal ng lahat.”

Isa pang hiniling ni Tita Cristy ay sana raw magkaanak na sina Sarah at mister na si Matteo Guidicelli dahil posible raw na dahil dito ay maging okay na ang lahat.

Sambit ng kolumnista, “Kasi marami pong mga kababayan natin na nagpapalagay at nabubuhayan ng loob at pag-asa na kapag may baby na po sila ni Mateo ay lalambot na ang puso ng kanyang mga magulang.”

Kutob din ni Tita Cristy na hindi manonood ang mga magulang ni Sarah sa upcoming comeback nito sa concert scene.

“Ako, inaasahan kong hindi dadating si Mommy Divine at Daddy Delfin,” saad ni Tita Cristy.

Dagdag niya, “Hanggang ang ulam ay ipinapadala ni Mateo doon sa subdivision ng mga magulang ay hanggang gate pa lang, hindi matutupad ‘yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Sarah nakipag-ayos na kay Mommy Divine, tanggap na kaya ng pamilya Geronimo si Matteo?

Matteo hinangaan ng netizens sa Mother’s Day message para kay Mommy Divine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending