Sino nga ba ang mas bagay maging host ng bagong version ng 'Face 2 Face', si Amy Perez o si Karla Estrada? | Bandera

Sino nga ba ang mas bagay maging host ng bagong version ng ‘Face 2 Face’, si Amy Perez o si Karla Estrada?

Ervin Santiago |April 04,2023
facebook
share this

Sino nga ba ang mas bagay maging host ng bagong version ng ‘Face 2 Face’, si Amy Perez o si Karla Estrada?

Ervin Santiago - April 04, 2023 - 06:48 AM

Sino nga ba ang mas bagay maging host ng bagong version ng 'Face 2 Face', si Amy Perez o si Karla Estrada?

Karla Estrada at Amy Perez

MARAMING na-excite nang ihayag ng TV5 ang pagbabalik ng programang “Face 2 Face” na iho-host ng nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.

Makakasama rito ng actress at TV host ang komedyanteng si Alex Calleja na magsisimula na sa May 1. Ito’y tinawag na “barangay hall on TV” kung saan paghaharapin ang magkakaaway na indibidwal para ayusin ang kanilang mga problema.

“Unresolved issues? Sasamahan ka ni Karla Estrada na solusyunan ‘yan! Abangan siya sa pagbabalik ng paborito nating TV5 program na #Face2Face, simula sa MAY 1!” ang nakasulat sa caption ng Facebook post ng TV5 na may litrato ni Karla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


Maraming na-excite sa muling pag-ere ng “Face 2 Face” na talaga namang sumikat nang bonggang-bongga sa Kapatid Network hosted by Tyang Amy Perez.

Aprub sa ilang netizens ang pagkakapili kay Karla bilang bagong host ng programa dahil kilala rin ang nanay ni DJ bilang magaling na host na nahasa nga sa morning show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay.”

Pero meron ding nagkomento na mas gusto pa rin nila si Tyang Amy o si Gelli de Belen ang mag-host ng bagong “Face 2 Face”. Ayaw daw nila kay Karla dahil may kayabangan daw ang aktres tulad ng ginagawa umano nito sa “Magandang Buhay.”

Baka Bet Mo: Best Female TV Host award ni Kim kinuwestiyon, mas deserving daw sina Anne at Tyang Amy; KimXi fans rumesbak

Narito ang ilang reaksyon ng netizens na nabasa namin sa social media matapos bumandera ang naturang balita.

“For me Tyang Amy pa rin ang bagay. Sana sya na lang uli.”

“Sana April Fool’s lang. Mas okay pa din kung ibang host. ‘Yung malakas manggatong.”

“Kung show ni Toni 3months….eto Kaya ilang months???”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🅰🅼🆈 🅿🅴🆁🅴🆉 🅲🅰🆂🆃🅸🅻🅻🅾 (@amypcastillo)


“Isang palabas na naman na maghahayag ng problemang pampamilya… para ipangalandakan ang isang bagay/problema na dapat sinosolve lang sa loob ng pamilya… for the views, okay lang i-exploit ang dignidad ng mga tao… haaayyy…”

“Sino nag-decide na siya magiging host?”

“Mas mauuna ka pang mainis sa host kesa sa mga guest na nag aaway.”

“Puwede naman si Ateng Gelli kung nasa Showtime si Tyang Amy.”

“Karla Estrada (also as Tiyang Karla or the Jerry Springer of the Philippines).”

“Mas bet ko pa rin si Tyang Amy!”

“Sana si Tyang Amy na lang ulit. Iba pa rin ang OG host ng Face to Face. Puwede naman siguro hiramin si Tyang Amy since may partnership naman ang ABS at TV5.”

Throwback photo ni Amy Perez bentang-benta sa netizens, Agot Isidro nag-react: Buti tumubo pa yung mga kilay natin, ‘no!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mariel may nakakalokang greeting kay Tyang Amy; John ibinandera ang pagmamahal kay misis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending