Karla Estrada: Ayokong mabuhay sa poot lalo na kung ibang tao ang may sala
MAY pinariringgan nga ba ang TV host-actress at ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada?
Nag-post kasi ito sa kanyang Facebook account nitong Huwebes, January 19 patungkol sa pagiging “productive” at
mabuhay nang walang “poot”.
“Ano kaya ang magandang gawin natin today? Para maging productive tayo para sa DIYOS, sarili at pamilya! Basta ako , ayoko mabuhay sa poot lalo na kung ibang tao ang may sala!” saad ni Karla.
Hirit pa niya, “ARAW ARAW KONG LILINISIN ANG BASURA SA BAKURAN KO BAGO AKO MAGMALINIS SA TINGIN NG IBA.”
View this post on Instagram
Sa huli ay nabanggit naman nito ang mga monthly bills na kanyang dapat intindihin at nag-decide nang mag-focus sa trabaho.
Marami naman sa madlang pipol ang tila naka-relate sa Facebook post ni Karla.
“Totoong ang daming prolema sa loob pa lang ng tahanan at ng mga sarili natin dapat yon lang pagtuunan ng pansin. wag ang buhay ng ibang Tao wag magmalinis lahat tayo may mga dumi na di malinislinis. Yaan niyo na kanya kanya tayo ng linis ng mga sarili natin mas ikakatuwa yong ng panginoon dahil yon ang tama,” sey ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Korek ka jan mamshi Karla, sapul mga taong magaling makiaalam ng buhay ng iba.”
“Pag nasa social media,expect natin iba-ibang reaction.Malaki kase influence pag celebrity ka.Expected na natin na every action ,may reaction.May mga bata din na may access sa socmed,kaya dapat ingat sa salita at gawa,” hirit naman ng isa.
Kapansin-pansin na ipinost ito ni Karla habang panay ang pambabatikos na natatanggap ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga kung saan maski ang ibang mga celebrities ay naglabas ng opinyon hinggil sa viral pahid cake video nito.
Related Chika:
Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?
Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.