Andrea sa mga tumatawag sa kanya ng malandi, desperada dahil sa 'promposal' kay Ricci: 'Kung okay po sa lalaki, bakit 'di pwede sa babae?' | Bandera

Andrea sa mga tumatawag sa kanya ng malandi, desperada dahil sa ‘promposal’ kay Ricci: ‘Kung okay po sa lalaki, bakit ‘di pwede sa babae?’

Ervin Santiago - April 04, 2023 - 06:48 AM

Andrea sa mga tumatawag sa kanya ng malandi, desperada dahil sa 'promposal' kay Ricci: 'Kung okay po sa lalaki, bakit 'di pwede sa babae?'

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

NANINDIGAN ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na walang masama sa ginawa niyang pagpo-propose sa dyowa niyang si Ricci Rivero para maging escort niya sa katatapos lamang na 1st Star Magical Prom.

Sinupalpal niya ang mga bashers sa social media na nangnenega at nang-ookray sa kanya nang dahil lamang sa kontrobersyal “promposal” niya kay Ricci na nangyari sa mismong concert ng K-pop group na BLACKPINK.

Ipinagdiinan ni Andrea na wala siyang pagsisisi at hindi niya ikinahihiya kung siya man ang gumawa ng first move sa pag-imbita sa boyfriend niyang basketball player na samahan siya sa Star Magical Prom.

Sabi ng dalaga sa vlog ni Ogie Diaz, ito na ang tamang panahon para baguhin na ng mga Filipino ang kanilang mindset patungkol sa mga kababaihan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Well first sa mga nagse-shame sa akin just because I proposed, na ang babae ang nag-propose, tulad nang sinabi ko sa comment na it’s high time that we stop shaming girls for making the first move.

“It’s sad, kasi nakakabasa ako ng comments na malandi na ako kaagad because I was the one who proposed,” ang ipinaglalabang punto ng aktres.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega

Pagpapatuloy pa niya, “Sana po mabago na natin ‘yung pag-iisip na ganu’n. Kasi kung okay po sa lalaki, bakit ‘di pwede sa babae?

“At saka ang nakakalungkot ay galing pa sa babae ang comment na ‘yon. At saka hindi ba women’s empowerment month ngayon?

“So dapat talagang kung feminist ka at naniniwala kang kaya ng babaeng gawin ang ginagawa ng mga lalaki, pero kapag ginawa ko na ang ginagawa ng lalaki, hindi okay? It’s just doesn’t make sense lang,” katwiran pa ng palabang Kapamilya youngstar

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sumabat naman si Ricci na kasama ni Andrea sa nasabing panayam at ipininagdiinang ang kanyang girlfriend ang talent ng Star Magic at hindi siya.

“The easiest answer Bebe is kasi ikaw ‘yung may prom and not me,” sey ng binatang cager.

“‘Yun din, at saka kasi ako ang may prom. And even if invited ka Bebe I can still and I should still be able to propose to you without a problem,” pagsang-ayon ni Andrea.

Sa isa niyang Instagram post after ng kanyang promposal kay Ricci, sinagot nga ni Andrea ang mga netizen na nagsabing “desperada” na raw siya kaya niya ito ginawa.

“It’s for #StarMagicalProm so yes, ako po talaga dapat dahil ako po yung artist ng Star Magic (smiling emoji).

“Also, it’s high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances (raising both hands in celebration emoji),” aniya pa.

Ricci Rivero tinupad ang promise sa UP Ikot Drivers, naibigay na ang P200k ayuda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending