Nanay ni Heaven Peralejo na idineklarang cancer free noong 2017 na-diagnose na may bagong tumor
NAGING emosyonal ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo habang nagkukuwento tungkol sa health condition ng na kanyang pinakamamahal na ina.
Walong taon na ngayon ang nakararaan, mula nang ma-diagnose ng uterine cancer ang nanay ni Heaven na so Shiela Luanne. Taong 2017 naman ng ideklarang cancer-free ang nanay ng aktres.
Sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila kay Heaven para sa YouTube channel nito, naibahagi nga ng dalaga ang kundisyon ng kalusugan ng ina.
View this post on Instagram
Kinumpirna ng “The Iron Heart” actress na kamakailan lamang ay nadiskubre ng mga doktor na may bagong tumor na tumubo sa katawan ng kanyang nanay.
“Just this week lang po, na-diagnose na naman siya with another tumor,” ang simulang rebelasyon ni Heaven.
“Hindi pa nga po napa-process ng utak ko. Hindi ko pa rin po alam, kasi we’re still thinking if ipapa-surgery ba siya, kaso ayaw niya na po ng surgery.
“Kasi buong dibdib niya na po ‘yun. So hindi ko po alam. Parang ayaw ko po muna i-feel,” aniya pa.
Kasunod nga nito, maluha-luhang nabanggit ni Heaven na matindi ang nararamdaman niyang nag-aalala sa kalagayan ng ina. Takot na takot siyang mawala ito sa kanyang buhay.
“Of course. Like, I would do anything and everything para kay Mom, just to keep her. Kaya I’m working very, very hard kasi gusto kong ibigay sa kanya lahat ng gusto niya.
“Minsan nag-uusap kami. Sasabihin niya, ‘Oh anak, nalagay ko na sa will ko…’ Sabi ko, ‘Ha?!’
View this post on Instagram
“May mga ganyan nang usapan about, like, kung ano nang mangyayari afterward. And ewan ko, it’s hard for me also kasi logically kailangan kong i-face. Pero emotionally, it’s hard to accept,” pagbabahagi ng Kapamilya actress.
Nagbalik-tanaw pa siya nu’ng panahong nakikipaglaban sa uterine cancer si Gng. Shiela. Talaga raw nagpakatatag at nagtapang-tapangan siya para sa ina.
“Actually ate Karen, ito ‘yung weird, nung nalaman kong may cancer siya, never akong umiyak sa harap niya.
“As in ‘yung best friend ko, pupunta kami ng chapel every morning habang nasa school kami. Iiyak kaming dalawa. Pero ‘pag uwi ko ng bahay dapat happy ulit ako,” pahayag pa niya.
Tinawag pa niya itong, “One true love, my soulmate. ‘Yung pagmamahal ko po sa kanya, hindi mapapantayan ng kahit na sino.”
Kung matatandaan, taong 2016, nang magdesisyong lumabas ng “Pinoy Big Brother” house ang dalaga nang isugod sa ospital ang kanyang nanay at pagkatapos ngang sumailalim sa ilang medical test, nalamang meron siyang cancer.
Kyle Echarri sa kapatid na may brain tumor: Napakahirap po, it hurts that I can’t be there for her…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.