Nickelodeon star Eduard Banez nagreklamo sa FBI matapos manakaw ang pag-aaring ‘dating app codes’, mga LGBTQ members ang binibiktima
NAGSAMPA ng reklamo sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ang dating Star Magic talent at Nickelodeon star na si Eduard Banez laban sa mga internet hacker.
Nadiskubre ni Eduard na may sindikato na nang-hack sa kanyang personal files sa internet para nakawin ang mahahalagang “specs and codes” na pinaghirapan niyang gawin para sa kanyang mga digital apps.
Nalaman ng dating Kapamilya talent ang pagnanakaw sa kanyang “codes” matapos i-check ang dating application na ginawa niya para sa Google na may five million downloads na ngayon.
“Ninakaw lahat ang mga materyales online na gamit sa paggawa ng online application. Lahat ng kumpanya sa mundo ay nakasabit lahat doon,” pahayag ni Eduard.
Pagpapatuloy pa ng singer-host, “Naghihirap tayo mag-work tapos isang hack lang ng kompanya milyon-milyon na ang transaction nila.”
View this post on Instagram
Dagdag impormasyon pa ni Eduard, karamihan sa mga nabiktima ng mga hackers ay ang mga walang kamalay-malay at inosenteng miyembro ng LGBTQ community.
“Ang mga LGBT community ang ginagamit nila para makakuha ng stocks. Pwede kasi pong gamitin yang mga audience ng dating apps na yan para maitayo ang isang malaking kumpanya,” pagbabahagi pa ni Eduard.
Samantala, sa isa naman niyang Facebook page ay binalaan nga niya ang mga magnanakaw at hackers sa internet at digital world.
“Stop stealing my specs and my codes on my personal apps. You cannot force the approval of the specs for the coding and programming to create an application in an application store.
“They will approve it based on my audience. And those selling these specs also steals from my application audience. It’s against the law,” lahad pa ni Eduard.
Ang idinulog na reklamo ng singer sa FBI ay kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga otoridad sa Amerika kung saan naka-base ngayon si Eduard.
Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.