Celeste Cortesi itinuloy ang pagsali sa Miss Universe PH 2022 dahil kay Rabiya Mateo; maiuwi kaya ang ika-5 korona ng Pilipinas? | Bandera

Celeste Cortesi itinuloy ang pagsali sa Miss Universe PH 2022 dahil kay Rabiya Mateo; maiuwi kaya ang ika-5 korona ng Pilipinas?

Ervin Santiago |January 15,2023
facebook
share this

Celeste Cortesi itinuloy ang pagsali sa Miss Universe PH 2022 dahil kay Rabiya Mateo; maiuwi kaya ang ika-5 korona ng Pilipinas?

Ervin Santiago - January 15, 2023 - 12:12 AM

Celeste Cortesi itinuloy ang pagsali sa Miss Universe PH 2022 dahil kay Rabiya Mateo; maiuwi kaya ang ika-5 korona ng Pilipinas

Rabiya Mateo at Celeste Cortesi

MARAMI ang humuhula na maiuuwi ni Celeste Cortesi ang ikalimang Miss Universe crown ng Pilipinas dahil sa bonggang performance na ipinamalas niya sa preliminary competition ng international beauty pageant.

Ngayong araw, magkakaalaman na kung sino ang hihiranging bagong reyna sa gaganaping grand coronation para sa 71st Miss Universe pageant sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana, USA.

Siguradong abangers na ang buong mundo, the universe rather (Ha-hahaha! Maipasok lang!) sa gagawing paglaban ni Celeste para masungkit ang pinakaaasam na titulo at korona.

Pero knows n’yo ba na nagdalawang-isip pala ang dalaga kung sasali ba siya o hindi sa Miss Universe Philippines last year?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)


Naikuwento ni Celeste sa isang panayam na nakausap niya noon si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo bago mag-apply sa nasabing national pageant.

Ani Celeste, parang gusto muna niyang i-delay ang kanyang application sa pageant at baka raw ngayong 2023 na lamang siya sasali.

“I remember that before submitting my application for Miss Universe Philippines, I was talking to her and I was opening up about me wanting to join actually next year, not this year,” pahayag ng dalaga sa naturang interview.

“And I was telling her I just want to prepare, to be one hundred percent ready,” sabi pa ng Pinay beauty queen.

Pinayuhan daw siya ng Kapuso TV host-actress kaya itinuloy na rin niya ang pagsa-submit ng kanyang application.

“Rabiya told me, ‘You will never be 100 percent prepared. But it’s your choice. It’s either to do it next year or this year.’

“Rabiya is so straightforward. She was really telling me, ‘Go for it. Don’t think about it too much. You will never be prepared. You just have to send the application and then everything will follow,'” sabi pa raw sa kanya ni Rabiya.

Aniya pa, isa raw sa mga “best advice” na natanggap niya noon ang sinabi ni Rabiya kaya isa raw ang Kapuso star sa mga dahilan kung bakit nasa Amerika siya ngayon at makikipaglaban para sa Pilipinas, “Thank you, Rabiya!”

In fairness, todo-todo ang suportang ibinibigay ni Rabiya kay Celeste at talagang sinubaybayan niya ang ginanap na Miss Universe 2022 preliminary competition.

Matapang na nabanggit ng Kapuso star sa isa niyang Instagram Story, na siguradong si Celeste na ang magwawagi sa Miss Universe 2022. Sey ni Rabiya, “5th crown na to for the country!!!!!”

Apat na korona na ng Miss Universe ang naiuwi ng mga Pinay beauty queen nitong nagdaang 71 taon —  sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Pinag-usapan din sa social media ang isa pang Instagram post ni Rabiya ilang araw na ang nakararaan. Ito yung litrato kung saan may itinaas na itlog ang beauty queen-actress.

Komento ng isa niyang IG follower  “Ayan nag-alay na si queen ng itlog para sa laban ni queen Celeste.” Na sinagot naman ni Rabiya ng, “@dxnielrod yaaaaassss.”

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…

Celeste Cortesi nangarap maging beauty queen matapos mapanood si Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi may inamin tungkol kay Pia Wurtzbach, ano kaya yun?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending