Game ba si Bamboo na magkaroon ng reunion concert ang Rivermaya? | Bandera

Game ba si Bamboo na magkaroon ng reunion concert ang Rivermaya?

Ervin Santiago |March 27,2023
facebook
share this

Game ba si Bamboo na magkaroon ng reunion concert ang Rivermaya?

Ervin Santiago - March 27, 2023 - 07:09 AM

Bamboo sinagot ang tanong ng fans kung payag ba siyang magkaroon ng reunion concert ang Rivermaya

Bamboo

PAYAG ba ang OPM rock icon na si Bamboo na magkaroon ng reunion concert ang Rivermaya sakaling may producer na mag-alok sa dati niyang grupo?

Siguradong miss na miss na ng mga loyal Rivermaya supporters na mapanood muli sa isang stage ang maituturing na ring icon pagdating sa pagpe-perform nang live.

Ayon sa isa sa mga coach ng “The Voice Kids”, hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na muling magsama-sama para sa isang bonggang concert ang mga miyembro ng dati niyang banda.

“I will never say never. But I cannot imagine how. We can hang out in the house or have dinner, but to play again?” ang pahayag ni Coach Bamboo sa panayam ng ABS-CBN.

Aminado rin si Bamboo na talagang matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita-kita at nagkakasama-sama kaya mukhang imposible pa raw mangyari ang reunion concert very soon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BambooMusic Live (@bamboomuzaklive)


“You have to imagine how long we’ve been away from each other and what kind of family I’ve built with the guys I’m playing with now.

Baka Bet Mo: Ninakaw na bulldog nina DJ Mo at Angelicopter natagpuang patay; iniimbestigahan na ng pulis sa Las Vegas

“I’m pretty loyal to my band now,” pahayag ng Kapamilya singer at songwriter.

Matatandaang taong 1998 nang umalis sa Rivermaya si Bamboo at bumuo muli ng bagong grupo hanggang sa magsolo na nga sa kanyang career.

“I understand we’re all trying to make a living. I got to take care of my guys. I know Rivermaya is out there. They are doing their thing as well, as they are playing. They are sharing their music, as well,” pahayag pa ni Bamboo.

Ina-acknowledge naman daw ng OPM icon ang nagawa ng Rivermaya sa kanyang personal na buhay at career pero bilang pagpapakatotoo, mukhang mahirap nang maibalik yung tulad ng dati.

Sa ngayon, ang bumubuo sa Rivermaya ay sina Mark Escueta, Mike Elgar at Nathan Azarcon.

Nakatakda namang mag-concert si Bamboo sa iba’t ibang lugar sa Amerika at Canada, kasama ang kanyang banda with KZ Tandingan.

Maris feel na feel ang hit song ng Rivermaya: Safe ‘yung feeling ko kapag nandiyan si Rico

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rivermaya nanindigan kay VP Leni, walang tinanggap na talent fee: Hindi po kami binayaran kahit piso!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending