Rivermaya nanindigan kay VP Leni, walang tinanggap na talent fee: Hindi po kami binayaran kahit piso! | Bandera

Rivermaya nanindigan kay VP Leni, walang tinanggap na talent fee: Hindi po kami binayaran kahit piso!

Ervin Santiago - October 14, 2021 - 08:54 AM

NAHATI ang fans at supporters ng bandang Rivermaya nang hayagang ibinandera ng grupo ang pagsuporta sa kandidatura ni Vice-President Leni Robredo.

Isa ang nasabing iconic rock band sa mga celebrities na nagsabing susuporta sila sa presidential bid ni VP Leni sa darating na May, 2022 elections.

Naging hot topic sa socmed ang pagbabago ng Rivermaya sa kanilang profile photo kung saan naging pink din ang pangalan ng banda matapos mag-file ng certificate of candidacy si Robredo.

Pink ang official color campaign ng bise-presidente sa pagtakbo nito bilang pangulo ng Pilipinas.
Nagkanya-kanya din ng kanilang post sa socmed ang mga miyembro ng Rivermaya na sina Mark Escueta, Mike Elgar at Nathan Azarcon para ibandera ang pakikiisa nila sa pink movement.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga fans sa naging desisyon ng Rivermaya, may mga sumang-ayon at pumuri sa katapangan ng banda ngunit marami rin ang na-bad trip at na-turn off dahil sa 
Naglabas naman ng statement si Mark Escueta para sa lahat ng fans ng Rivermaya na kumuwestiyon at kumontra sa kanilang political stand

“Sa mga ayaw na sa amin dahil sa pagsuporta namin kay VP Leni, okey lang ‘yon. Kahit wala namang koneksyon ang musika sa pulitika, rerespetuhin ko ang inyong desisyon.

“Sa mga patuloy na susuporta sa amin kahit na magkaiba tayo ng political views, maraming salamat. Pwede namang magkasundo pa rin sa musika, di ba? 

“Naka ilang eleksyon na ba tayo mula 1994? Never namin ipipilit sa inyo ang panananaw namin,” ang pahayag ng banda.

Ipinagdiinan din niya walang bayad o kapalit na talent fee ang pagsuporta nila kay Robredo, “At klaruhin nga natin ngayon pa lang, hindi kami binayaran kahit piso.

“Basta tandaan niyo, kapag gumagawa ng musika, ito ay para sa lahat. Abangan niyo bagong single namin. Medyo malapit na,” sabi pa sa statement ng grupo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending