PBBM nakikiisa sa ‘Earth Hour’, apela sa publiko: Let’s switch off to give Mother Nature 60 minutes to breathe | Bandera

PBBM nakikiisa sa ‘Earth Hour’, apela sa publiko: Let’s switch off to give Mother Nature 60 minutes to breathe

Pauline del Rosario - March 25, 2023 - 06:08 PM

PBBM nakikiisa sa ‘Earth Hour’, apela sa publiko: Let’s switch off to give Mother Nature 60 minutes to breathe

PHOTO: Screengrab from Facebook/Bongbong Marcos

UMAPELA sa publiko si Pangulong Bongbong Marcos ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang “Earth Hour.”

Panawagan niya, makiisa sana ang mga kababayan na sabay-sabay patayin ang mga ilaw sa kani-kanilang mga tahanan ngayong March 25 simula 8:30 p.m. hanggang 9:30 p.m.

Ayon pa sa pangulo, isa itong malawakang hakbang upang makaiwas sa epekto ng climate change.

“Every year, the Philippines is hit with an average of 20 typhoons making it one of the most vulnerable countries to climate change,” paliwanag ng presidente sa isang Facebook video.

Patuloy niya, “As the earth’s temperature gets warmer with the world’s carbon footprint reaching a new all-time high of 36.8 gigaton in 2022, the world braces for the irreversible impact of climate change.”

Dagdag ni Pangulong Bongbong, “It only takes 60 minutes to do good for our future, 60 minutes to take notice and commit to saving Mother Nature to be united and take action because together nothing is impossible.”

“Let’s switch off and give Mother Nature 60 minutes to breathe,” aniya.

Para sa kaalaman ng marami, ang “Earth Hour” ay nagsimula sa Australia noong 2007 bilang kampanya ng international non-governmental organization na World Wide Fund for Nature.

At makalipas ang sampung taon ay isinulong na rin ito ng buong mundo upang ipagtanggol ang kalikasan at kapaligiran.

Read more:

Liza umapela na sa Senado para sa pagsasabatas ng ‘End Child Rape’ bill

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Leo Martinez nanawagan para sa mga senior: Maawa kayo, aba’y mahigit 1 taon na kaming nakakulong…

Bea may paalala sa importansya ng day off: Kailangan mo rin talaga ng time to pause and breathe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending