Xian Gaza kinuyog ng fans ni Zeinab Harake, tinawag na balimbing | Bandera

Xian Gaza kinuyog ng fans ni Zeinab Harake, tinawag na balimbing

Therese Arceo |March 24,2023
facebook
share this

Xian Gaza kinuyog ng fans ni Zeinab Harake, tinawag na balimbing

Therese Arceo - March 24, 2023 - 07:49 PM

Xian Gaza kinuyog ng fans ni Zeinab Harake, tinawag na balimbing
MARAMI ngayon ang bumabatikos sa self-proclaimed na Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza matapos itong maispatang kasama ang dating kaibigan ni Zeinab na si Angelica Yap pati na rin ang ex-dyowa nitong si Skusta Clee.

Kamakailan ay panay ang post ng social media personality ng mga larawan kung saan makikitang nakikipag-bonding siya sa mga ito. Mayroong inuman, mayroon rin habang nanonood siya ng performance ng Ex-Battalion member.

Sey ng mga netizens, masyadong balimbing si Xian dahil dati ay lagi siyang sumasama kay Zeinab at lowkey nagseselos pa noon kay Wilbert tapos ngayon ay sumasama naman daw ito sa nanakit kay Zebby na dati ay nilalait at tinatawag pa niyang “pangit”.

Kaya naman sa pamamagitan ng Facebook post ay nilinaw niyang hindi raw siya balimbing gaya ng ibinabato ng mga netizens na mostly raw ay fans ni Zeinab.

“Sabi ng mga fans ni Zeinab eh balimbing daw ako kasi tinropa ko si Angel. Para po sa kaalaman ng lahat eh magkaibigan na kaming dalawa since January 2020,” umpisa ni Xian.

Aniya, si Sachzna raw ang naging daan para magkakilala silang dalawa noon.

“Here’s the funny plot twist: Si Angel at Sachzna ay hindi na okay ngayon. Si Zeinab at Sachzna ay hindi rin okay. Si Angel at Zeinab ay hindi din okay. Kung ilalagay natin sila sa isang Venn diagram eh ako yung isang tao sa gitna nila,” chika pa ni Xian.

Matatandaang nagkaroon ng lamat ang friendship nina Zeinab at Angel matapos ang paghihiwalay ng dalawa last year. Ang dyowa kasi niya na si Flow G ang best friend ni Skusta kaya hindi maiiwasan na magsama ang dalawa.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful

Samantala, tila friendship over naman ang peg nina Sachzna at Angelica matapos ang mga pasabog na rebelasyon nang maglabas ng video si Wilbert at inilabas ang mga screenshot ng usapan nila ni Zeinab involving other influencers na sinagot naman ng huli. Nabanggit kasi na tila na-backstab siya nito.

Sinabi pa nga ni Xian na imbes na tawagin siyang balimbing ay mas dapat raw siyang sabihan na true friend.

“Siguro instead of saying na balimbing ako, mas appropriate yung ‘tunay na kaibigan’. Na kahit mag-away away pa kayo eh nandito ako para sa inyong lahat.

“Walang magbabago. Hindi ako makikisawsaw sa gulo niyo pero kapag may kalaban kayo ay asahan niyo ko sa tabi niyo,” sey ni Xian.

Sanay na sanay na raw siya sa mga babae at hindi na raw siya para manggulo pa.

Sa comment section ay ibinahagi rin ni Xian na kaya sila nagkita ni Angelica ay para mag-usap ukol sa negosyo at hindi para pag-usapan ang dalawa.

“Ako kasi yung tipo ng kaibigan na kapag may hindi ako magandang komento tungkol sayo ay maririnig mo sa akin face to face walang preno. Kapag nakatalikod ka eh puro magaganda lang yung maririnig mo.

“Pero kung may mali kang ginawa sa kabila ay maaari kong i-splook. Just to be fair. Hindi kita siniraan. Sinabi ko lang yung maling ginawa mo. Sinira mo yung sarili mo, Kaibigan,” giit pa ni Xian.

Related Chika:
Xian Gaza love na love si Zeinab Harake pero ayaw pa niyang ligawan: Alam kong masasaktan ko lang siya…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending