Sam YG napagkamalang dyowa ni Pia Wurtzbach, beauty queen nakisakay: I'm sorry | Bandera

Sam YG napagkamalang dyowa ni Pia Wurtzbach, beauty queen nakisakay: I’m sorry

Therese Arceo - March 23, 2023 - 04:22 PM

Sam YG napagkamalang dyowa ni Pia Wurtzbach, beauty queen nakisakay: I'm sorry

PABIRONG nilinaw ng TV personality na si Sam YG na hindi siya ang nasa viral Instagram post ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Ibinahagi niya ang screenshot ng natanggap niyang mensahe kung saan tinatanong siya kung siya ba ang nasa post ng beauty queen.

“Para lang clear, HINDI ako ‘to. Please stop spreading rumors. #YariNanaman ako neto,” pabirong saad ni Sam.

Ang nasa larawan kasi ay ang hot fiance ni Pia na si Jeremy Jauncey at may anggulo lang na medyo kamukha si Sam sa biglang tingin ngunit kapag tinignang maigi ay makikita namang magkaiba ang dalawa.

Dagdag pa ni Sam, “I’m currently at home and happily married. This is the last time I’m gonna speak up about this issue. Sabi nga ni Prophet James: ‘I’m the happiest I’ve ever been.’”

Ang “Prophet James” naman na tinutukoy niya sa post ay ang kasalukuyang kontrobersyal na singer-actor na si James Reid matapos ang big reveal nito sa kanilang relasyon ni Issa Pressman.

Baka Bet Mo: Sam YG enjoy na enjoy sa buhay may asawa: ‘She’s my queen…I’m looking forward to a lasting marriage with her’

Read more: https://bandera.inquirer.net/338344/sam-yg-enjoy-na-enjoy-sa-buhay-may-asawa-shes-my-queen-im-looking-forward-to-a-lasting-marriage-with-her#ixzz7wlclDGQq
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Ang larawan na ibinahagi ni Sam ay mula sa IG post ni Pia kung saan masaya niyang ibinandera ang dyowa habang nagbabakasyon sila.

Makikita naman sa comment section na humingi ng tawad si Pia sa TV personality.

“Tsk tsk.. mga tao talaga. I’m sorry Sam na nadamay ka sa issue na ito,” sey ni Pia.

Reply naman ni Sam, “Ok lang grabe talaga chismis ngayon. Enjoy kayo jan sa Pansol Hot Springs.”

Marami naman sa mga netizens at artista friends niya ang aliw na aliw sa kanyang post.

“For a sec I was like… bro!!” saad ni Troy Montero.

Chika naman ng netizen, “Need linawin to with Tito Boy, need 1 on 1 exclusive interview.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam YG (@_samyg)

“But tbh paps… medyo may hawig sa bigla g tingin ah! Hahahahahaha!” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inaabangan naman ng mga netizens kung ano ang magiging reaksyon ng asawa ni Sam na si Essa Santos-Gogna.

Related Chika:
Sam YG pinakasalan na ang non-showbiz partner sa St. Benedict Church, Silang, Cavite

Sam YG sa pagmamahal ng mga Pilipino sa isports: Parang naging way of life na rin siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending