Sam YG handang kausapin ang mga mall na nagsasagawa ng ‘pekeng sale’
INTERESTING ang bagong digital show na “Nego King Philippines” hosted by Sam YG dahil susubukan niyang mapababa ang presyo ng mga produktong karamihan sa mga namimili ay nabibilang sa minimum wage earners.
Bagama’t may mga alta o mayayaman ding namimili pero karamihan kasi sa kanila ay hindi gaanong tumatawad.
Sa ginanap na mediacon ng “Nego King Philippines” ay natanong namin si Sam YG kung posible rin ba niyang makausap ang may-ari ng mga kilalang malls during sale season.
May alam kasi kaming mall na kapag sale ay hindi naman talaga totoo dahil ang dating presyo na hindi pa sale ay tinakpan lang din nila ng ibang kulay na sticker na kapareho ang presyo, sa madaling salita panloloko sa mamimili ito.
Hindi lang once, twice o thrice naming nahuli ang mall na ito, tila mandato na ito ng management na kunwari sabihing sale pero same price pa rin.
Sabi ni Sam YG ay puwede naman daw niyang kausapin ang mga may-ari ng mall para banggitin ang obserbasyon ng mga mamimili.
View this post on Instagram
Sa one-on-one interview kay Sam YG ay natanong siya kung hindi ba siya nag-atubili na baka may makabangga siyang mga negosyante.
“I think it’s part of it like the show explained to me. Wala, we can’t have this show kung hindi mangyayari ‘yan. I think the online entertainment or show, it had to be real. Dapat magpakatotoo ‘yung show.
“So, kung lagi tayong iiwas sa mga ganyan o sabihing ‘hindi puwede ‘yan (sabihan), anong magagawa natin. Saka ang mga comments naman manggagaling sa taumbayan, hindi naman sa akin.
“Ako lang ‘yung mag-i-interview o magtatanong sa bumili halimbawa ng iPhone kung happy siya sa nabili niyang presyo o sa tingin niya puwede pang babaan?
“Kaya ang magsasabi (magko-comment) ang taumbayan. Hndi ako ang magsasabi ng, ‘ay sobra naman ‘to (sa negosyante). I don’t think this is worth the price.’
“I will be interviewing the people, sila ‘yung magsasabi kung baga ako lang ang messenger (taga-nego),” paliwanag ni Sam YG.
Kaya nga raw maraming takot sa social media dahil kapag may reklamo sa isang produkto ay dito inilalabas ang reklamo sabay tag kung saan ito nabili.
Sa South Korea nagsimula ang web variety show na “Nego King” noong Agosto, 2020 at umabot na ito sa season 4 na nagtapos noong Oktubre, 2022.
Kaya nagustuhan ito ng KROMA ANIMA at A + E Networks at dinala nga sa Pilipinas na mapapanood na simula Pebrero 8, Miyerkules, 8 p.m. sa Nego King Philippines YouTube channel ng Anima Studios at LazLive sa Lazada App.
Paniwala ni Sam YG kaya siya ang napiling host ng show ay dahil isa siyang Bumbay, “I thought it was a joke. And then eventually I found out, I watched the few episodes, and it was a very interesting show. Talagang nilalapitan nila ‘yung mga tao, ‘alam mo ba itong product na ito? Itong service na ito?
“Being Bumbay is in my blood. And I can actually nego because that is part of my blood. Kahit sa simpleng bagay, I really make sure na I really get the best deal. Lahat naman tayo gano’n, especially after the pandemic. When we want to buy something, we want to get the most out of our money,” kuwento pa niya.
Ipinanood sa imbitadong taga-media ang unang episode ng “Nego King Philippines” sa naganap na mediacon. Tinatanong ni SAM YG ang netizens na mamimili kung bakit nila nagustuhan ang isang produkto at nang sabihin sa kanya ang mga dahilan ay inalok niya ang mga ito na maaari pa niyang mapababa ang presyo by talking to the owners or bosses ng nagbebenta ng nasabing produkto.
“Talagang lalapitan ko ‘yung mga tao, mga man on the street, mga normal citizens. Ako ang hahabol sa kanila. Grabe sa kulit ‘yung Korean (host), kaya sabi ko dapat ‘di tayo mapahiya.
“I don’t even know the product or service that I am going to be talking about or dealing with for the episode. Ire-reveal siya sa akin naka-camera on na. Ganoon siya ka raw. Ganoon siya ka-candid,” saad ng host.
Ang sabi naman ni Bianca Balbuena, head ng ANIMA, “On top of our objective to wildly entertain our viewers each and every episode, we also want to reward them royally with unprecedented deals courtesy of our episode partners.”
Sabi naman ni Saugato Banerjee, Managing Director, A+E Networks Asia, “As a global IP Media Group, we’re constantly creating new formats that transcend cultures and languages. We’re thrilled to have found a like minded partner in Kroma, to bring Nego King to the Philippines. We hope our Filipino viewers enjoy the show and the great deals our Nego King secures just for them.”
Carla Abellana naloka sa taas ng presyo ng gasolina: Hindi pa nga ‘yan full tank!
Sam YG sac pagmamahal ng mga Pilipino sa isports: Parang naging way of life na rin siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.