Dingdong, Marian bibida sa 2 bagong teleserye ng GMA, tinupad ang promise sa DongYan fans pero... | Bandera

Dingdong, Marian bibida sa 2 bagong teleserye ng GMA, tinupad ang promise sa DongYan fans pero…

Ervin Santiago |March 23,2023
facebook
share this

Dingdong, Marian bibida sa 2 bagong teleserye ng GMA, tinupad ang promise sa DongYan fans pero…

Ervin Santiago - March 23, 2023 - 07:02 AM

Dingdong, Marian bibida sa 2 bagong teleserye ng GMA, tinupad ang promise sa DongYan fans pero...

Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zia at Sixto Dantes

CONFIRMED! Muling mapapanood ng mga loyal DongYan fans ang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga bago nilang teleserye sa GMA 7.

Yun nga lang, hindi natupad ang wish ng kanilang mga supporters na magtambal sila uli sa isang project. Yes, magkaibang TV series ang gagawin nila sa GMA na posibleng mapanood na rin this year.

Ibinalita kamakalawa, March 21, na nag-story conference na ang cast members at production ng upcoming murder mystery series na “Royal Blood” na pagbibidahan nga ni Dingdong.

Ayon sa award-winning Kapuso actor at TV host, super excited na si Dong sa bago niyang project dahil first time niyang bibida sa ganitong genre.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


“Ang daming pwedeng mangyari e, so doon ako hanga talaga sa creative team, sa mga taong bumuo ng kwentong ito kasi kahit kami, sa mga unang script na binabasa namin, na-iintriga talaga kami,” pahayag ni Dingdong.

Baka Bet Mo: ‘Bikini’ ni Sanya sa ‘First Yaya’ trending sa socmed; ‘I Can See You’ ni Barbie gumawa ng ‘history’

Makakasama niya sa “Royal Blood” sina Tirso Cruz III, Rhian Ramos, Megan Young, Mikael Daez, Rabiya Mateo, Lianne Valentin, Dion Ignacio, Arthur Solinap, Benjie Paras at marami pang iba.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Dingdong ng group photo ng cast na may caption na, “I’ve had the pleasure of working with almost all of the cast, staff, and executives over the past 25 years!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


“And now, I’m thrilled to collaborate with the incredible talents of Lianne and Rabiya for the first time,” aniya pa.

Samantala, bibida naman si Marian sa isa pang upcoming teleserye ng GMA pero wala pang inilalabas na detalye tungkol dito ang GMA 7.

Pero sabi ni Marian, “Sobrang ganda nung story niya, tapos very light lang at mapapanood ng mga anak ko so yun ang mahalaga sa akin.”

Inamin naman ng Kapuso Primetime Queen na siguradong magiging challenging ang pagbabalik niya sa paggawa ng serye lalo pa’t halos tatlong taon siyang nabakante at naging stay-at-home mom kina Zia at Sixto.

Paliwanag ni Marian, “Sabi ko rin kay Dong, ‘Kapag nagkataon na na kailangan ko na mag-taping, siguro kailangan natin sila i-sit-down, specially Zia, na parang explain natin bakit gusto ko mag trabaho or ano ‘tong trabaho na ito, at lahat naman ito, ginagawa namin para sa kanila.’”

Beauty binigyan ng tip ni Dingdong para iwas-pressure: Sobrang bait niyang tao, hindi siya mayabang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovi Poe binansagang ‘Da Queen’ at ‘LPJ’; ‘Flower Of Evil’ magpapasabog na sa Primetime Bida ng ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending