Raul Dillo pasok na sa ‘Batang Quiapo’, thankful sa madlang pipol: Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ako mapapansin ni Direk Coco
ISANG masayang balita ang natanggao ni Raul Dillo a.k.a Pinoy Frankeinstein dahil nadinig na ang kanyang panawagan kay Coco Martin na muling makabalik sa pag-aartista.
Sa video update na ibinahagi niya sa Facebook ay sinabi niyang tinawagan na siya ng isa sa mga staff ng “FPJ’s Batang Quiapo” production at ipinangakong isasama siya sa cast ng hit Kapamilya teleserye.
“Hindi ko po lubos akalaing ako ay bibigyan ng pansin, ang aking panawagan kay idol Direk Coco Martin,” saad ni Raul.
Pagpapatuloy niya, “Natawagan na po ako ng production ng Batang Quiapo at napansin na po ni Direk Coco Martin ang aking panawagan. Kaya po nag-uumapaw po ang aking kaligayahan, hindi ko po halos ine-expect ito.”
Pangako naman ni Raul na gagawin niyan ang lahat upang makapagbigay kasiyahan dahil ang publiko ang naging para mapansin siya ng Kapamilya actor.
“Gagawin ko po ang lahat para po mabigyan ko kayo ng kasiyahan sa pamumuhay po sa araw-araw at lubos po talaga ang aking kaligayahan dahil kung hindi dahil sa inyo ay hindi ako mapapansin ni direk idol Coco Martin,” sey niya.
Baka Bet Mo: Raul Dillo a.k.a Pinoy Frankeinstein humingi ng tulong kay Coco Martin
Matatandaang noong nakaraang linggo ay naisulat na namin dito sa Bandera ang panawagan niya na sana’y mapansin siya ni Coco Martin at mabigyan ito ng pagkakataon na makabalik sa entertainment industry.
Ani Raul, nawalan na kasi siya ng hanapbuhay simula nang magkaroon siya ng karamdaman.
Noong mawala kasi siya sa showbiz ay nagtitinda ito ng mga pagkain gaya ng sopas o pansit, maging balut at tinapa para masustentuhan ang pangangailangan niya at ng kanyang pamilya.
Kaya ang laking kawalan nang magkasakit si Raul lalo na’t nahatak ang tricycle na gamit sa pagtitinda dahil hindi na niya ito mabayaran.
Hindi rin namam ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-reach out at tumulong si Coco da mga artistang matagal nang hindi nakikita sa telebisyon.
Gaya ni Raul, marami na rin siyang natulungan at nabigyan ng trabaho sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gaya na lang nina CJ Ramos, John Wayne Sace, at marami pang iba.
At ngayon nga ay patuloy pa rin itong ginagawa ni Coco upang makipagbigay muli ng pagkakataon sa mga dating artista upang makabalik sa industriya.
Sa ngayon ay wala pa namang balita kung ano ang magiging karakter nito sa “FPJ’s Batang Quiapo”.
Related Chika:
Carlo sa mga walang-awang bashers: Bakit naman pati mga sanggol na walang kalaban-laban?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.