Lotlot tinawag na blessing ang pagsasama uli nila ni Monching sa ‘The Write One’ makalipas ang 20 taon
ITINUTURING ni Lotlot de Leon na isang blessing ang muling pagsasama nila ng kanyang ex-husband na si Ramon Christopher sa isang proyekto.
Ka-join ang dating magka-loveteam sa Kapuso primetime series na “The Write One” na pinagbibidahan nina Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos at Paul Salas.
Nag-start na ang pinakabagong romance-drama-fantasy series ng GMA nitong nagdaang Lunes at in fairness, naging top trending topic agad ito sa Twitter, partikular ang pangalan ni Ruru.
Sa unang dalawang episode, nakilala na ng manonood ang mga karakter nina Ruru at Bianca bilang sina Liam at Joyce na magkaklase noon sa college at pinagtagpo uli ng tadhana.
At bukod nga kina Ruru, Bianca, Mikee at Paul, isa pa sa inaabangan ng viewers ay ang pagsasama uli nina Lotlot at Monching sa isang TV series. Natatawa ngang sey ni Balot (palayas ng nanay ni Janine Gutierrez), “Welcome back to the ’80s!”
View this post on Instagram
Chika ng seasoned actress, “It’s always a blessing to have a project, but it’s double blessing if you’re working with the right people and kung maganda yung outcome ng project.
Baka Bet Mo: Wish ni Janine tinupad nina Lotlot at Monching; may message para sa lahat ng broken family
“When this was presented to me and I heard about the story, I said, ‘Why not?’ And they said Mon is going to be there, I said, ‘Why not?’
“And it’s been 20 years this year, since we’ve worked together on screen. So, bakit hindi na lang natin iisa?
View this post on Instagram
“So, it’s so nice to work with all these young actors, and our production, our director, mas sobrang nakalatag lahat yung plano nila. Ang ganda ng lahat.
“Smooth sailing ang lahat, and I think mas… today, correct me if I’m wrong, mas na-inspire tayong lahat after we saw this beautiful trailer that was presented to you today,” lahad ni Lotlot sa mediacon ng “The Write One.”
Inamin naman ni Monching na kinabahan siya nu’ng first taping day nila ni Lotlot, “Nu’ng una, siyempre ninerbiyos ako, pero kasi matagal na kaming hindi nagka-work. So, baka hindi na sanay.”
Pambubuking naman sa kanya ni Balot, “Siya talaga yung ninerbiyosin sa akin.
“But everything naman was smooth. And prior to this project naman, because we have four children between us, we never had a problem. So, this is actually a blessing. Masayang-masaya ang lahat na anak ko,” sey pa ng premyadong aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.