Miss Universe R’Bonney Gabriel rarampa sa Pinas: For all the Filipinos, I can’t wait to meet you!
BIBISITA si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel sa ating bansa sa darating na Mayo!
Ito ay kinumpirma mismo ng beauty queen sa isang interview ng lifestyle show sa Texas na pinamagatang “Houston Life.”
Ipinagmalaki pa ng ni R’Bonney sa show na may dugong Pinoy siya at madalas daw siyang umuuwi ng Pilipinas noong bata pa siya.
“I grew up going to the Philippines just as a child and just going on a vacation there, and to actually be somewhat an inspiration to the people in the Philippines now is amazing,” sey ng Filipino-American beauty queen sa panayam.
Kasabay niyan ay excited niyang inanunsyo na magkakaroon siya ng isang malaking event sa bansa at hindi na raw siyang makapaghintay na makita sa personal ang mga Pilipino.
“Actually, I will be visiting the Philippines soon in May,” masaya niyang sinabi.
Baka Bet Mo: R’Bonney Gabriel nagkaroon ng ‘identity crisis’ sa pagiging half-Pinoy, wish na makapunta sa Pinas this year
Dagdag pa niya, “We’re gonna have a huge event there as Miss Universe, so I’m really excited.
“For all the Filipinos tuning in, I cannot wait to meet you,” ani pa ni R’Bonney.
Noong nakaraang buwan lamang ay na-interview siya ng entertainment reporter na si Nelson Canlas at nabanggit niya na kahit sa Amerika siya lumaki ay Pinoy na Pinoy pa rin ang kanyang puso.
Bukod diyan ay ibinahagi ng beauty queen ang tungkol sa kanyang pamilya, kabilang na ang mga hirap na pinagdaanan ng kanyang tatay na si Remigio Bonson sa pagpunta sa Amerika.
Nakuwento rin ng dalaga na ang pangalang R’Bonney ay nagmula sa name ng tatay niya.
Chika niya, “When he came to America he shortened it up a little bit and he just went by R’Bon. I’m kind of the female version of his name.”
Si R’Bonney ang ika-siyam na beauty queen ng United States na nakapag-uwi ng korona ng Miss Universe at kauna-unahang Fil-Am naman na nagwagi ng nasabing titulo.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.