Ogie Diaz kinontra uli si Liza: 'Saan galing yung isyu na hindi ako pumupunta sa set, e, trabaho namin 'yun!?' | Bandera

Ogie Diaz kinontra uli si Liza: ‘Saan galing yung isyu na hindi ako pumupunta sa set, e, trabaho namin ‘yun!?’

Therese Arceo |March 15,2023
facebook
share this

Ogie Diaz kinontra uli si Liza: ‘Saan galing yung isyu na hindi ako pumupunta sa set, e, trabaho namin ‘yun!?’

Therese Arceo - March 15, 2023 - 06:10 PM

Ogie Diaz kinontra uli si Liza: 'Saan galing yung isyu na hindi ako pumupunta sa set, e, trabaho namin 'yun!?'
PINABULAANAN ng talent manager na si Ogie Diaz ang naunang pahayag ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano hinggil sa diumano’y hindi nito pagiging visible sa kanyang mga projects.

Sa kanyang “Showbiz Update” vlog na in-upload ngayong araw, nilinaw nito na pumupunta siya sa mga endorsement shoots at tapings ng dalaga.

Pagbabahagi ni Ogie, “When you say ‘hindi ka pumupunta’, never kang pumunta. Ok, bilang manager po, alam ng mga staff at alam niya mismo na pumupunta ako sa set pero hindi naman madalas.

“Nagpupunta ako sa Baguio (Forevermore), nagpupunta ako sa Bulacan (Bagani)… Nagpupunta rin ako sa ibang tapings at shooting niya. Sinamahan ko pa siya sa New York… Sarili kong pera ang ginamit ko para lang masamahan si Liza.”

Mismong si Mama Loi na rin ang nagpatotoo ng pahayag ni Ogie dahil siya raw ang madalas kasama nito sa tuwing dadalawin niya ang dating alaga.

Iginiit pa niya na kung hindi man siya present sa taping ay mayroon naman siyang road manager na aalalay sa mga pangangailangan ng dalaga.

“Kung wala naman ako doon, kaya nga po ako may sariling RM as in road manager na binabayaran ko sa sarili kong pera para yung road manager po, ibig sabihin, manager mo siya on the road. Pag wala ang manager, siya ang [tatayong] manager,” lahad pa ni Ogie.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon

Dagdag pa niya, “Ang mahalaga, present po ako sa lahat ng dealings, present ako sa lahat ng negotiations kasi at the end of the day, kapag naibenta ko nang mataas ‘yung alaga ko, ‘bongga ka na! O ayan, TF mo, mataas!'”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

Kaya nga raw hindi alam ni Ogie kung saan nanggagaling si Liza dahil may mga larawan at videos pa siyang ipinakita kung saan dinadalaw niya ang dalaga.

“Kaya hindi mo pwedeng sabihing hindi ako dumadalaw… kasama ko pa si Dudu [Unay] na yang discoverer mo noong pumanhik kami sa Baguio. Minsan nandoon pa ako kasi may issue sa set na kailangan kong kausapin ang production.

“Kaya nagtataka ako Loi, saan galing si Liza sa isyu na hindi ako pumupunta sa set? E trabaho namin ‘yun. Kailangan naming i-oversee kung maayos ba ang talent namin at kakausapin ko ang [production kung] ok ba si Liza,” sey pa ni Ogie.

Chika pa niya, sa sey ng “Make It With You” sa Quezon City ay lagi siyang present at pinupuntahan talaga ang alaga lalo na kapag may isyu o problema sa set.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bwelta ni Ogie Diaz sa mga nagmamarunong: ‘Ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager’

Ogie Diaz kay Willie: Huwag kang mag-gaslight…sa yaman mong ‘yan at sobrang blessed, hindi ka inaapi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending