Lovi pak na pak bilang ‘Wave’ ng Marvel Universe; executive producer na rin ng Hollywood movie na ‘The Room’
TUWANG-TUWA ang Kapamilya actress at singer na si Lovi Poe nang makita ang bonggang artwork na ginawa ng isang artist para talaga sa kanya.
Ginamit ng naturang artist ang kanyang mukha sa obra nito bilang si Pearl Pangan o Wave, ang Cebuana superhero ng Marvel Universe.
In fairness, pak na pak naman talaga sa tinaguriang Supreme Actress ang image ng nasabing superhero kaya super thankful ang dalaga sa nag-effort para gawin ang viral na ngayong artwork.
“Awww… I’ve got my heart eyes on this fan fic and artwork of me as Wave from the Marvel Universe.
View this post on Instagram
“To the artist who put my face on this illustration, nakakakilig! (wave emoji) Salamat Kaayo! (heart emoji),” ang inilagay na caption ng leading lady ni Coco Martin sa “Batang Quiapo” sa kanyang IG post.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa netizens.
“@marvelstudios @marvel I THINK ITS ABOUT DAMN TIME!!”
“Very fit yung feature ng face mo on this character. kulang na lng spada ni Panday.”
“Sobrang bagay Lovi!!!”
“Wow! I didn’t know you could be a superhero!”
View this post on Instagram
Samantala, bukod sa pagiging aktres at singer, isa na ring producer ngayon si Lovi. Ito ang ibinandera ng management team niyang LVD Management, Inc. na pag-aari ni Leo Dominguez.
She’s one of the executive producers ng gagawing remake ng 2003 cult film “The Room” which will feature American actor Bob Odenkirk, best known for his role as Saul Goodman on “Breaking Bad” and its spin-off “Better Call Saul”.
Gagampanan ni Bob ang lead role bilang Johnny, which was originated by the film’s writer and director, Tommy Wiseau.
Baka Bet Mo: Yassi ikinumpara ang unang sabak sa pagse-surf sa pag-aalaga ng kanyang mental health
Kamakailan ay napabalita na ngang tuloy na tuloy na ang nasabing project and according to reports, its production comes from “Acting for a Cause,” an organization that has raised funds for various charitable causes which was founded and directed by Brando Crawford.
Si Brando Crawford mismo ang nakipag-ugnayan kay Lovi para alukin ito na maging bahagi ng pelikula. “ I saw great synergy with his company, so I helped produce ‘The Room,'” sey ni Lovi.
Napapanood gabi-gabi ang aktres sa hit Kapamilya series na “Batang Quiapo” at nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap ng madlang pipol sa tambalan nila ni Coco.
“Almost everywhere I go, people call me ‘Mokang’ (karakter niya sa serye), which is my character’s name in the show, and they would ask me where Tanggol is (role ni Coco),” pagbabahagi pa ni Lovi.
Ogie Diaz sinagot si Jeffrey Oh: As far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel
Heart pwedeng kumita ng P150-M sa isang painting; Bea maraming aaminin tungkol kay Dominic
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.