Heart pwedeng kumita ng P150-M sa isang painting; Bea maraming aaminin tungkol kay Dominic Bandera

Heart pwedeng kumita ng P150-M sa isang painting; Bea maraming aaminin tungkol kay Dominic

Ervin Santiago |September 12,2021
share this

Heart pwedeng kumita ng P150-M sa isang painting; Bea maraming aaminin tungkol kay Dominic

Ervin Santiago September 12, 2021 - 08:40 AM

Heart Evangelista

HALOS lahat ng ginagastos ni Heart sa pagbili ng mga gamit para sa kanyang sarili ay nanggagaling sa savings niya mula sa pagpipinta.

In fairness, milyun-milyon ang kinikita ng Kapuso actress sa kanyang artworks kaya kahit hindi na siya mag-artista ay kayang-kaya niyang mabuhay na parang reyna.

Kuwento ng misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa chikahan nila ng broadcast journalist na si Karen Davila, medyo malaki nga ang kinikita niya mula sa kanyang pagpipinta. 

“A lot of my expenses come from my paintings because it started as ‘Don’t touch your savings, you can only spend your painting money,’” chika ng aktres. 

Alam n’yo ba na na ang kanyang hand-made painted bags ay nagkakahalaga na ng P200,000? Ngunit aniya, “But I stopped it because I want it to be limited edition.” 

Kamakailan naman ay nakapagbenta siya ng isa niyang painting na nagkakahalaga ng P3 million. Ang bongga, di ba?

But wait, there’s more! Meron din daw siyang painting na pwedeng maibenta ng tatlong milyong dolyar o kulang-kulang P150 million. Ito ay sa pamamagitan daw ng tinatawag na NFT o nun-fungible token.

Karaniwang nangyayari ang bentahan sa digital art. Ani Heart, hindi muna niya ito ibinebenta sa ngayon dahil, “Whoever ends up buying (NFT) the painting can go to them. Some people when they buy the digital painting, they will destroy the original painting so it becomes more expensive.” 

“Yeah, I it’s a different world,” sabi pa ni Heart kay Karen na halatang gulat na gulat sa mga kuwento ng aktres tungkol sa mundo ngayon ng bentahan ng artworks.

* * *

Mapapanood na ngayong gabi ang special guest appearance ng bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa “The Boobay and Tekla Show.”

Ito ang kauna-unahang pagtapak ng aktres sa GMA Network studios mula nang pumirma siya ng kontrata kaya isang mainit na welcome party ang inihanda nina Boobay at Teklaat at ng Mema Squad.

Isang kaabang-abang na chikahan ang magaganap sa segment na “May Pa-Presscon” kung saan sasagutin ni Bea ang pinakamahihirap na tanong tungkol sa pag-ibig — mula sa heartbreak hanggang sa moving on, pati na rin ang kanyang relationship at career plans ngayon na siya’y nasa GMA.

Ilalahad din ni Bea ang mga aral na natutunan nito mula sa isang masakit na break-up at kung bakit siya naging in love sa kanyang kasalukuyang nobyo na si Dominic Roque.

Maliban dito, ibabahagi rin ng aktres ang kanyang saloobin tungkol sa pag-aasawa o marriage.

Sa segment naman na “Birit Showdown,” palaban ding ibinandera ng award-winning actress at one-time recording artist ang kanyang talento sa pagkanta at comedic timing.

Masisilayan dito ang pag-awit ni Bea sa isang popular na kanta ng international singer na si Adele.

Samantala, haharapin din nina Boobay at Tekla at ng Mema Squad ang kanilang worst critics sa nakakalokang segment na “Ang Harsh!” kung saan sasagutin nila ang mga hate comments laban sa kanila.

Tuloy-tuloy lang ang laugh trip kahit may krisis kaya huwag palampasin ang super fresh na episode ng “The Boobay and Tekla Show”  ngayong Linggo, 10:15 p.m. sa GMA after “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending