Ruru, Bianca nagkabukingan sa presscon ng 'The Write One', umaming nagkatampuhan kaya nag-unfollow sa Instagram | Bandera

Ruru, Bianca nagkabukingan sa presscon ng ‘The Write One’, umaming nagkatampuhan kaya nag-unfollow sa Instagram

Ervin Santiago - March 15, 2023 - 07:28 AM

Ruru, Bianca nagkabukingan sa presscon ng 'The Write One', umaming nagkatampuhan kaya nag-unfollow sa Instagram

Ruru Madrid at Bianca Umali (Photo from Instagram)

NAGKABUKINGAN sa presscon ng bagong Kapuso series na “The Write One” na pinagbibidahan ng reel and real life na magdyowa na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.

Wala nang nagawa ang celebrity couple kundi ang umamin sa harap ng mga imbitadong entertainment editors at reporters tungkol sa naging ugat ng pag-unfollow nila sa Instagram account ng isa’t isa.

Ayon kay Bianca, totoong nagkatampuhan sila ni Ruru that time habang nasa taping ng kauna-unahan nilang prinetime series na “The Write One.”

Napilitang magpaliwanag ang magdyowa nang ibuking sila ng kanilang direktor na si King Marc Baco sa mismong presscon ng kanilang serye nitong nagdaang Sabado, March 11.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa pagdidirek ng mga real life couples sa isang serye. Totoong napaisip daw noon ang direktor kung ano ang gagawin niya kapag nag-away sina Bianca at Ruru.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Then one day, lumapit sa akin yung isa sa mga crew, ‘Direk, may nag-a-unfollow ng IG.’ ‘Sino yun?’ Siyempre kilala natin yun,” ang natatawang chika ni Direk.

“Tapos nag-worry talaga ako. ‘Asan si Bianca?’ ‘Asa tent, Direk.’ ‘Ano ginagawa?’ ‘Wala. Walang kinakausap.’ So sabi ko, ‘Ito na nga ba ang sinasabi ko, e.”

Nagpatay-malisya na lang daw ang direktor habang binibigyan ng instructions si Bianca sa mga kukunang eksena nila si Ruru.

“Pero ang galing lang. Sobrang professional. Parang okay naman sila. Ang galing pa rin ng performance,” chika ng direktor.

Kasunod nito, nagpaliwanag naman si Bianca, “It was this small fight lang naman. Hindi naman siya something na dapat maging big deal. We follow na each other again.

“Ang bilis kasi ng fans, e. Yung naging pag-unfollow namin sa isa’t isa was a spur of the moment. Nasa height ng emotion.

“Aminado naman kami. Being in a relationship, wala naman talagang perfect na relationship.

“We really go through mga maliliit na tampuhan. Lalo na for us that we are together every single day working. It’s normal, I guess, to get burned out a bit. So, okay naman,” natatawa pang depensa ni Bianca.

Sey naman ni Ruru, “Isang buong araw iyon.”

Baka Bet Mo: Kilalang aktor ‘nambara’ sa presscon, napikon sa mga tanong

Pahayag ni Bianca, never daw nilang hahayaan ni Ruru na maapektuhan ang trabaho nila ng mga personal na isyu, “It’s a skill, I guess, for an actor to separate yung personal life happenings sa trabaho.

“Kami naman so far, nagagawa namin na hiwalay personal issues namin kapag nasa eksena kami. When we’re working, we’re working. Hindi makakahadlang kung anumang mangyayari sa amin,” lahad ng dalaga.

Samantala, puring-puri naman ni Ruru ang kanyang dyowa sa galing nito bilang aktres pati na ang pagiging professional nito sa trabaho, “Yung work ethics niya, parang kakaiba. Alam ko sa sarili ko kung gaano ako ka-passionate when it comes to my craft.

“Meron palang taong mas hihigit pa dun. Siya yung tipo na pag konti lang gagawin niyang eksena sa isang araw, parang di siya satistfied sa ginawa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Gusto niya ma-maximize talent niya, yung ginagawa niya. For us, lahat nai-inspire sa ginagawa niya. Nag-set siya ng example para sa amin lahat para pagbutuhin pa ginagawa namin,” aniya pa.

Isa naman sa nagustuhan ni Bianca kay Ruru bilang katrabaho ay ang pagiging komedyante nito, “It’s the one aspect that we haven’t experienced with each other.

“Dahil first time namin na magkatrabaho, ngayon lang namin nakikita ang isa’t isa kung paano kami sa trabaho. We are very opposite people, e. So, kung paano ako magtrabaho is also different with how he works.

“My favorite thing about Ruru on set is that he becomes the glue for everyone, not just for his co-actors but the whole production. He keeps everyone intact, together. Siya yung glue, the wacky glue,” dagdag pa ng dalaga.

Sunshine iyak nang iyak sa presscon; game pa ring magtrabaho kahit tinamaan ng COVID

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eula Valdes agaw-eksena sa presscon ng ‘Martyr or Murderer; Darryl Yap nakakaloka ang sagot tungkol kay Joel Lamangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending