Kilalang aktor 'nambara' sa presscon, napikon sa mga tanong | Bandera

Kilalang aktor ‘nambara’ sa presscon, napikon sa mga tanong

Reggee Bonoan - May 03, 2021 - 06:07 PM

ALAM naming idinaan na lang sa biro ng isang kilalang aktor ang mga naging komento at sagot niya sa ilang tanong at issue sa ginanap na virtual mediacon kamakailan.

Humarap sa entertainment press at vloggers ang aktor para sa bago niyang TV series at pakiramdam namin ay hindi niya nagustuhan ang ilang mga tanong sa kanya bukod pa sa halatang ninenerbyos siya.

Pero naging nega nga ang dating nito sa ilang dumalo sa mediacon dahil pakiramdam nila ay “binara” sila ng aktor.

At kahit na magkakakilala pa sila ay hindi pa rin magandang sabihin o gawin iyon sa isinagawang mediacon.

Sa ganang amin ay wala namang pagkakaiba ito sa physical presscon o mediacon, di ba?

Nambabara talaga ang mga artista kapag hindi nila gusto ang mga tanong sa kanila o kaya ay hindi na lang nila ito sasagutin.

Sa experience namin kapag ganu’n ang mga artista ay hindi na namin sinusulat pa para maramdaman din nila na hindi lahat ng taga-media ay sang-ayon sa ginagawa nilang pambabara.

At higit sa lahat para iparamdam din sa kanila na kahit nasa panahon na tayo ng Gen Z pati na ang mga millennials ay matuto pa ring gumalang at rumespeto sa mga nakatatanda.

Hindi ‘yung pa-chill-chill ang mga sagot at higit sa lahat, maraming mga artista ngayon ang hindi marunong magpasalamat kapag nasusulat sila, hayz!

Kaya mas gusto pa rin namin talaga ang mga dating artista na nagbibigay galang pa rin members ng media, mapabaguhan man o  veteran na.

At higit sa lahat halos lahat ng mga veteran actors ay marunong magpasalamat kapag nasusulat sila. Hindi sila dedma tulad ng ilang mga kabataang artista ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending