Katrina Velarde ibinandera ang bagong dyowa: 'Salamat sa 'yong pagmamahal...nakangiti na ulit ang aking puso' | Bandera

Katrina Velarde ibinandera ang bagong dyowa: ‘Salamat sa ‘yong pagmamahal…nakangiti na ulit ang aking puso’

Ervin Santiago |March 14,2023
facebook
share this

Katrina Velarde ibinandera ang bagong dyowa: ‘Salamat sa ‘yong pagmamahal…nakangiti na ulit ang aking puso’

Ervin Santiago - March 14, 2023 - 09:46 AM

Katrina Velarde ibinandera ang bagong dyowa: 'Salamat sa 'yong pagmamahal...nakangiti na ulit ang aking puso'

Katrina Velarde at ang bago niyang boyfriend

MAKALIPAS ang mahigit dalawang taon mula nang pumanaw ang kanyang asawang musician, in love na uli ngayon ang Asia’s Vocal Supreme na si Katrina Velarde.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Ibinandera na ni Katrina sa buong universe ang bago niyang boyfriend na nagpapaligaya at nagbibigay ng mas makulay na buhay ngayon sa kanya.

Ayon sa tinaguriang Suklay Diva, hindi niya inasahan ang pagdating ng bagong pag-ibig sa kanyang life ngunit tinanggap niya ito nang bonggang-bongga dahil ang feeling niya ito na ang tamang panahon para ma-in love uli.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Katrina ng mga picture niya kasama ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso. Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng guy at kung paano nagsimula ang kanilang love story.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina Velarde (@katrinavelarde24)


“Hi, captain and my pilot in command. You took off so fast and nicely LANDED in my heart and I was NOT prepared for your arrival, but here you are with me right now…” ang bahagi ng caption ni Katrina sa kanyang post.

Patuloy pang pahayag ni Katrina, “Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sa ‘yong pagmamahal.

“Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat. I thank God that he allows me to fall in love again,” dagdag pa ni Suklay Diva.

Pahabol pa niya, “It’s not afam is life, it’s your love that is life.”

Marami namang netizens ang nag-congratulate kay Katrina, at lahat sila ay super happy sa kanyang bagong lovelife. Anila, deserve niya ang lumigaya uli at mahalin ng lalaking ipinagkaloob sa kanya ni Lord.

“Happy for you and you just look perfect couple. God bless you with more and more happiness and success.”

“Congratulations you deserve to be Happy.”

“Katrina Velarde I’m from Brazil I know the process that came to CONQUER a love in your heart a true love that you can be happy now with a PILOT that landed in your heart with LOVE AND CARE we are very happy I am here we are here to support you as a fan. I listen to your songs every day your COVERS and everything else I wish you MUCH love and GRATITUDE, PERSEVERANCE, FAITH.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina Velarde (@katrinavelarde24)


“For sure lalo yan mainlove sau bi kc so morena and mgnda ang boses. Yahooo congrats!”

Baka Bet Mo: Katrina Velarde nawalan ng 1k followers dahil sa UniTeam rally: Still, I respect you and I appreciate those who respect me too…

“Ngayoy ikaw muling ssaya at mligaya s bgo mong pag ibig mamshie im very happy for you mamshie.”

“Ang saya saya n ngyn ng mamshie nman msaya din kmi pra syo mamshie nattuwa kmi at naggalak kmi pra syong kligyhan ngyn s bgong mong pag ibig mamshie we love you so much mamshie gudlak nd god bles u alwys.”

Nagpakasal si Katrina sa musician na si Mike Shapiro noong May 2021. Pero pagsapit ng November, 2021, ay sumakabilang-buhay nga ito.

Nakilala ni Kat ang yumaong asawa nang dahil kay Gary Valenciano. Si Mike ang nagsilbing drummer ni Mr. Pure Energy sa kanyang mga concert sa Amerika.

Palagi ring kasama si Mike kapag nagpupunta at nagko-concert sa bansa ang mga international singers na sina Sergio Mendes at Kevin Lettau.

Rock band Maneskin may bagong single, kaabang-abang din ang ilalabas na album ngayong buwan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Katrina Velarde tagumpay ang retoke: Tinotoo ko na po ang chismis, ganap na robot na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending