Jessy balik-alindog program matapos manganak: I’m giving it the TLC it truly deserves!
DALAWANG buwan matapos ipanganak ang first baby na si Isabella Rose, sisimulan na ulit ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang pagwo-workout.
Sa ibinanderang Instagram Story nitong March 9, sinabi ni Jessy na hindi lang pagpapaseksi ang goal niya sa kanyang fitness journey kundi para mas mapabuti pa ang kanyang kalusugan.
“Back at it,” sey niya sa caption.
Payo niya, “It’s so important to take it easy, especially if you’ve just given birth via CS (cesarean section). Take time to rehab your pelvis and core before going back to your pre-pregnancy workouts.”
“I do not want to go back to my pre-pregnancy body (or weight). I want to build a better one, It’s all about acceptance and challenging yourself to move forward,” paliwanag pa niya.
Inamin din ni Jessy na may mga araw na tila nagiging insecure siya sa naging pagbabago ng kanyang katawan mula nang magbuntis.
Baka Bet Mo: Janella nagpa-lipo para bumalik ang self-confidence: Best decision ever!
At dahil daw diyan ay uumpisahan na ulit niyang alagaan at mahalin ang kanyang katawan para sa kanyang baby.
“My body went through so much (nine months of pregnancy and delivery via CS) so now, I’m giving it the TLC [tender loving care] it truly deserves,” saad niya sa IG Story.
Aniya pa niya sa kanyang sarili, “Good job, body! I love you, thank you for taking care of my little Peanut. The reason why I want to stay active is because I want to be able to carry and run with my little one until I grow old.”
Noong December 28 lang ipinanganak ni Jessy ang panganay nila ni Luis, ngunit nitong January 7 lang nila ito ibinandera sa publiko.
Taong 2021 naman nang ikinasal ang mag-asawa.
Related Chika:
Mariel ikinumpara kay VP Leni ang pagiging ulirang ina: Daig ko pa ang Aegis na basang-basa sa ulan!
Pokwang ready na ulit tumanggap ng ‘papa’: Bawal ang user ha or ‘mangga’!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.