Mariel ikinumpara kay VP Leni ang pagiging ulirang ina: Daig ko pa ang Aegis na basang-basa sa ulan! | Bandera

Mariel ikinumpara kay VP Leni ang pagiging ulirang ina: Daig ko pa ang Aegis na basang-basa sa ulan!

Ervin Santiago |May 22,2022
facebook
share this

Mariel ikinumpara kay VP Leni ang pagiging ulirang ina: Daig ko pa ang Aegis na basang-basa sa ulan!

Ervin Santiago - May 22, 2022 - 09:55 AM

Mariel Rodriguez at Isabella

IKINUMPARA ng TV host at celebrity mom na si Mariel Padilla ang kanyang pagiging nanay sa viral “ulirang ina moment” ni Vice President Leni Robredo.

Ito’y matapos ngang isakripisyo ni Mariel ang kanyang Chanel sneakers sa water rides ng isang theme park sa Spain kasama ang anak na si Isabella.

Kung nagplantsa raw si VP Leni ng toga ng anak nitong si Jillian Robredo para sa graduation nito, siya naman daw ay naglaba ng mamahaling sneakers.

Kuwento ni Mariel sa kanyang social media post, napilitan siyang samahan si Isabella sa isang water ride kahit na wala siyang dalang ekstrang damit.

“My ulirang ina moment!!! This trip is for my kids so everyday we go from one theme park to another. I was not prepared for a water ride. Isabella badly wanted to ride this one… daig ko pa ang Aegis na basang basa sa ulan!!!!” simulang chika ng misis ni Sen. Robin Padilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Patuloy pa niyang kuwento, “As in talagang shower na matindi…shampoo na lang ang kulang!!! Of  course I had extra clothes for Isabella from pnty to socks complete because OA mom ako hahahha but for me… nothing.”

Kasunod nito, nabanggit nga ni Mariel si Leni Robredo sa kanyang post, “Kung si VP Leni nag plantcha para sa daughter niya… ako linaban ko sa basa ang chanel sneakers ko! Its a tie! hindi ko na siguro ma live selling ito kasi na haggard ng mabuti. Mabuhay lahat ng ulirang ina!!!

“P.S. I asked permission no no i begged the ride facilitator if i can leave my shoes… magkasakit na ako sa basa wag lang ang sapatos ko pero hindi pumayag,” aniya pa gamit ang hashtag #GoodbyeChanelSneakers.

Ayon sa isang website, ang isang pares ng all-white sneakers ay may price tag na mahigit P145,700.
Samantala, bukod sa pagiging “ulirang ina” maituturing ding OA na nanay si Mariel lalo na kung kalusugan na ng kanyang pamilya ang pinag-uusapan.

Kapansin-pansin nga ang pagdami ng mga sikat na personalidad na nagbibigay ng payo tungkol sa kung paano mapapanatili ang mabuting kalusugan at makakaiwas sa sakit lalo na nga at nasa gitna pa rin tayo ng pandemya.

Mahalaga pa rin ang wastong nutrisyon, hydration, ehersisyo, malusog na kalusugan ng isip at sapat na pahinga. Kailangang mapanatili ang isang malusog na immune system para mapababa ang panganib ng mga malala at nakakahawang sakit.

Nitong mga nakaraang linggo ay ilang kilalang artists na aktibo sa social media ang nag-share ng kanilang feedback tungkol sa bagong Solmux.

“Dahil nga I am an OA mom, I always research. Nakikisali ako, nakikipagchikahan ako with fellow moms and sa mga mom groups.

“Kasali na diyan ‘yung na-share ni Mommy Mars Suzi (Entrata) na Solmux Advance with Zinc. Pinagsama para mas malakas at mas mabilis na gamot sa ubo,” kuwento ni Mariel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para sa mga OA mommy na tulad ko, ‘yung gustung-gusto natin ay yung mga ‘mas’ na ‘yan dahil gusto ko na mas protected ang kids ko. Pag nagkakasakit, mas gusto ko na mas mabilis ang effect. Gusto ko mas mabilis magpagaling,” chika pa ng TV host.

Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin

Robin inuna ang mga biktima ni Odette bago umuwi, hirit ni Mariel: Itutuluy-tuloy ko na ang pagiging single mom ko!

Janice ikinumpara sa bangus si Gerald: Kasi matinik, parang ang daming issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending