Belle Mariano gustung-gustong gumanap na bida-kontrabida; pangarap ding magwagi ng best actress | Bandera

Belle Mariano gustung-gustong gumanap na bida-kontrabida; pangarap ding magwagi ng best actress

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

Belle Mariano gustung-gustong gumanap na bida-kontrabida; pangarap ding magwagi ng best actress

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 07:07 AM

Belle Mariano gustung-gustong gumanap na bida-kontrabida; pangarap ding magwagi ng best actress

Donny Pangilinan at Belle Mariano

KUNG may isang dream role ang  phenomenal Kapamilya young actress na si Belle Mariano, yan ay walang iba kundi ang maging bida-kontrabida.

Yan ang sagot ng ka-loveteam ni Donny Pangilinan nang matanong kung anu-ano pa ang gusto niyang ma-achieve sa kanyang showbiz career sa mga susunod na taon.

Sa nalalapit na selebrasyon ng kanyag 10th anniversary sa entertainment industry, si Belle ang unang sumalang sa “Tatak Star Magic: Celebrity Conversations”.

Dito, binalikan ng dalaga ang naging simula ng kanyang acting career bilang child star hanggang sa makamit ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon nang dahil sa tambalan nila ni Donny.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


Sa pakikipagchikahan niya sa Star Magic head na si Laurenti Dyogi, sinabi nga ni Belle na pangarap niya ang magkaroon ng project kung saan gaganap siya bilang “bida-kontrabida”.

Ito raw talaga ang palagi niyang naiisip para mas maipakita ang kanyang versatility as an actress.

“Bida-kontrabida. Gusto ko ma-try kasi paano kaya ‘yun. Try natin, direk,” aniya kay Direk Lauren na nagbiro naman na baka mahirapan siya na maging “maldita” dahil sa kanyang angelic face.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


Inamin din ni Belle na isa sa mga next goal niya sa kanyang career ay ang magkaroon ng acting award in the future.

Sa mga hindi pa nakakaalam, nagsimula ang aktres sa pagiging commercial model sa edad na 9 nang kunin siyang endorser para sa isang local milk brand.

Ito ang naging passport niya sa pagpasok noon sa “Goin’ Bulilit” ng ABS-CBN. At makalipas nga ang ilang taon, naging instant hit ang loveteam nila ni Donny sa “He’s Into Her”.

Baka Bet Mo: Belle Mariano inialay sa fans ang award mula sa Korea: Grabe! Kung pwede kong ibigay ito sa inyo…you guys deserve it!

“Honestly, sa 10 years po na nandito po ako, ang dami rin pong maliliit na natututunan. But all-in-all patience po talaga.

“You have your own time to bloom. Just trust God, trust the management. Just really have your own time,” sabi pa ni Belle.

Kaya naman todo ang pasasalamat niya sa Star Magic at sa ABS-CBN dahil sa estado ng career niya ngayon at sa lahat ng blessings na kanyang natatanggap.

At sa tanong kung ano ang masasabi niya sa pagiging tatak-Star Magic, “Just a family, family I’ve created all throughout the years that I’ve been here. ‘Yung bond, ‘yung mga natutunan ko.

“I always strive for excellence. As in, I’m just absorbing everything and just learning each and every day. It’s a dream come true for me,”

“I know in the long run there are challenges. Madadapa ka nang madadapa. But if you’re down, there’s nowhere to go but up,” aniya pa.

Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Belle Mariano inialay sa fans ang award mula sa Korea: Grabe! Kung pwede kong ibigay ito sa inyo…you guys deserve it!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending