Blackpink Jisoo may solo debut sa March 31, abangers na ang fans: ‘The moment we've all been waiting for!’ | Bandera

Blackpink Jisoo may solo debut sa March 31, abangers na ang fans: ‘The moment we’ve all been waiting for!’

Pauline del Rosario |March 06,2023
facebook
share this

Blackpink Jisoo may solo debut sa March 31, abangers na ang fans: ‘The moment we’ve all been waiting for!’

Pauline del Rosario - March 06, 2023 - 06:14 PM

INAABANGAN na ng fans ang solo debut ni Jisoo, ang isa sa mga miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink.

Ang exciting news ay ibinandera mismo ng talent agency na YG Entertainment sa social media.

Naglabas sila kamakailan lang ng teaser photo para sa solo project ni Jisoo.

Wala pang masyadong detalye, pero nakatakda itong ilabas sa March 31.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BLΛƆKPIИK (@blackpinkofficial)

Libo-libong fans naman ang napa-comment at hindi na makapaghintay sa magiging pasabog ng K-Pop idol.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“YESS THIS IS WHAT I WAS WAITING!!! [red heart emojis]”

“Soloist Jisoo is about to finally be revealed to the world! Blinks are more than ready [fire emoji]”

“AFTER 4 YEARS OF WAITING. FINALLY A SOLO FROM JISOO! really looking forward to your first solo song [red heart emoji].”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Jisoo ang huling miyembro ng Blackpink na maglalabas ng solo music.

Unang nag-release ng sariling kanta si Jennie, at sumunod naman diyan sina Rosé at Lisa.

Gayunpaman, sumabak na sa acting career si Jisoo at nauna riyan ang kanyang guest appearance sa 2015 series na “The Producers.”

Noong 2022 naman ay pinagbidahan niya ang K-Drama na pinamagatang “Snowdrop.”

Samantala, kasalukuyang nagaganap ang “Born Pink” world tour ng nasabing girl group at isa sa pagtatanghalan nilang bansa ay ang Pilipinas.

Mangyayari ito sa March 25 at 26 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Related chika:

BLACKPINK Jisoo, Jennie at Rosé negatibo sa COVID-19

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Solo album ni Rose ng Blackpink, nagpapaalala sa kanya ng isang bagay

Banat ni Alex sa nang-asar nang malaglag ang baby niya: Masarap gumawa nang gumawa kaya teka gagawa ulit kami ni Mikee, wait…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending