Justin may ‘struggle’ sa pagiging solo artist, priority pa rin ang SB19

Justin may ‘struggle’ sa pagiging solo artist, priority pa rin ang SB19

Pauline del Rosario - August 11, 2024 - 02:41 PM

Justin may ‘struggle’ sa pagiging solo artist, priority pa rin ang SB19

PHOTO: Instagram/@jahdedios

PARA kay Justin De Dios, isang malaking hakbang ang pagsabak niya sa solo music career.

Si Justin kasi ang ikaapat na miyembro ng SB19 na nagkaroon ng solo single at kamakailan lang nga ay inilabas na niya ang bago niyang kanta na “Kaibigan.”

Kasunod din niyan ay nakapanayam siya veteran anchor na si Pia Arcangel para sa podcast episode na “Surprise Guest.”

Diyan inamin ng SB19 member na nahirapan siya sa kanyang solo journey, lalo na’t inilarawan niya ang kanyang sarili bilang “dependent” at “introvert.”

“Actually po, super kabado po ako as a person din…’yung personality ko po kasi is medyo dependent. Parang as an introvert, parang mahirap po akong humarap sa maraming tao, mag-start ng conversation, ganyan,” chika niya.

Baka Bet Mo: SB19 Justin type karirin ang pag-arte matapos umeksena sa ‘Senior High’

Kwento pa niya, “So ‘nung nag-start po ako ng solo ko noong February, medyo talagang parang struggle po ako as a solo [artist]. Kasi ‘diba pagka-group, meron kang kasama to support you. meron kang karamay.”

“Pero as a solo, ikaw lang mag-isa ‘yun lahat. So medyo mahirap po talaga ‘nung start,” aniya pa.

Gayunpaman, ibinunyag din ni Justin na todo-suporta ang natatanggap niya mula sa mga ka-miyembro na kung saan si Pablo ang nagpo-produce ng kanyang kanta.

“Feel ko kasi para silang proud na kuya minsan na minor achievement lang o let’s say maganda lang ‘yung pagkakanta ko sa isang part, natutuwa na sila. So ‘yung mga ganoong simpleng appreciation po is para raw nakakadagdag na rin, nakaka-help sa confidence ko po,” sambit ng P-Pop idol.

Sinabi rin ni Justin na kahit nag-uumpisa siya sa kanyang solo career ay prayoridad pa rin niya ang SB19.

Naikwento pa niya kay Pia kung gaano kahirap pagkasyahin sa schedule ang mga pinagkakaabalahan niya sa karera.

“Actually, mahirap po, syempre. Especially for our management na inaayos nila ‘yung schedule, talagang pinagpaplanuhan nila mabuti, pero ayun po siyempre, kami rin naman ‘yung SB19, so we really plan or choose kung ano ‘yung mga pwede naming magawa na hindi magka-compromise masyado with the SB19 schedule,” saad niya.

Aniya pa, “So syempre priority pa rin si SB19.”

Kung matatandaan, noong Pebrero lamang nang maglabas si Justin ng debut solo single na pinamagatang “Surreal.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipas ang isang buwan ay nag-release ulit siya ng bagong kanta na ang title ay “Kaibigan” at may kasama pa nga itong music video na pinagbibidahan din niya with theater actress Nicole Omillio at RJ Cruz ng bandang The Juans.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending