Rhian Ramos sinupalpal ang bashers na nagsabing meron siyang ‘fake bag’ | Bandera

Rhian Ramos sinupalpal ang bashers na nagsabing meron siyang ‘fake bag’

Pauline del Rosario |March 06,2023
facebook
share this

Rhian Ramos sinupalpal ang bashers na nagsabing meron siyang ‘fake bag’

Pauline del Rosario - March 06, 2023 - 02:58 PM

Rhian Ramos sinupalpal ang bashers na nagsabing meron siyang ‘fake bag’

PHOTO: Instagram/@whianwamos

HINDI inatrasan ng aktres na si Rhian Ramos ang ilang bashers na nagkomento sa isa niyang Instagram post.

Sinabihan kasi siya na peke ang dalang bag.

Ang tinutukoy na IG post ay ibinandera ng aktres noong March 1 matapos siyang dumalo sa launching event ng isang cosmetic company na kung saan ay makikita sa picture ang isang leather handbag na kapareho ng hugis mula sa French luxury brand na Birkin.

Burado na ang mga nasabing komento ng bashers, pero mababasa roon na kinukwestyon nila ang “authencity” ng nasabing bag.

Kaagad naman itong sinagot ni Rhian at mukhang napahiya pa nga ang mga nagkomento.

Dahil ang bag pala ng aktres ay mula sa isang Italian brand at hindi sa Birkin na siyang ipinipilit ng bashers.

Sinabi pa ni Rhian na iniregalo ito sa kanya ng isang local retailer shop.

“No, I’m pretty sure I don’t magically have the only existing mini kelly(?) birkin(?) in white/gray python… it’s a @buti_italia bag, gifted, and apologies to whoever this offends, but I liked the colour with beige, or camel, or caramel, or whatever you wanna call the colour I’m wearing [white heart emoji],” sagot ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)

Maraming netizens naman ang kumampi sa aktres at pinagtulungan ang mga basher na naninira sa aktres.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Lol! ‘yung mga nag-comment na fake, akala mo mayayamang tunay [laughing emoji].”

“Sa lahat ng mga nagsasabi ng ‘fake bag’ sa post na ‘to, kainin nyo sinabi nyo.”

“Sa mga nag-comment dito na fake, for sure mga PULUBI! [laughing emoji] or di pa bayad utang nila sa bag nila binili [laughing emoji] pweeee -aka fake! for sure mga patay gutom kayo.”

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Shower’ video ni Derek na ipinost ni Ellen sa socmed inalmahan ng ilang netizens

Willie, Ai Ai may lovelife advice kay Rhian: Mas OK na magkaroon ka rin ng sariling pamilya

Rhian Ramos may bagong dyowa na, rumampa sa GMA Gala Night kasama si Sam Verzosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending