'Shower' video ni Derek na ipinost ni Ellen sa socmed inalmahan ng ilang netizens | Bandera

‘Shower’ video ni Derek na ipinost ni Ellen sa socmed inalmahan ng ilang netizens

Ervin Santiago |January 26,2022
facebook
share this

‘Shower’ video ni Derek na ipinost ni Ellen sa socmed inalmahan ng ilang netizens

Ervin Santiago - January 26, 2022 - 06:02 PM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

SINUPALPAL na naman ng dating sexy star na si Ellen Adarna ang isang netizen na nagkomento sa “shower scene” video ng asawa niyang si Derek Ramsay.

Tila “offensive” at hindi na raw dapat nagpo-post si Ellen sa social media ng mga litrato at video na dapat sana’y para lang sa kanilang mag-asawa.

Ang tinutukoy ng netizen ay ang maikling video clip na ibinahagi ng aktres at celebrity mom sa Instagram kung saan makikita ang kanyang mister na si Derek na naliligo.

Nakatalikod naman ang hunk actor habang nagsa-shower sa kanilang banyo. Maririnig naman sa video ang nakakalokang halakhak ni Ellen na tuwang-tuwa sa pagbi-video kay Derek.

Sabi ni Ellen sa caption ng ipinost niyang video, “So sexy.”

Maraming followers ang aktres na nagkomento sa video at karamihan ay aliw na aliw kay Ellen dahil sa kakaibang trip nito sa pang-aasar at paglalambing sa kanyang asawa.

Pero may iba naman na nagsabing masyado nang papampam o papansin si Ellen na parang pinaglalaruan at ginagawa nang katatawanan si Derek dahil sa mga pinaggagagawa nito.

View this post on Instagram

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Komento nga ng isang IG user na hindi natuwa sa video ni Derek, “I hope these moments will be private for the 2 of you na lang sana.”

Agad naman itong sinagot ni Ellen at ipinamukha sa netizen na huwag na itong makialam sa trip niyang gawin sa kanyang asawa. Bwelta ng aktres, “Our life, our rules, our IG.”

In fairness, marami namang natutuwa sa mag-asawang ito dahil sa kanilang pagiging totoo. Palagi mang nabibiktima ng online attacks, hindi sila nagpapaapekto sa mga ito. 

Sa katunayan nga, may ilang haters na talagang pinapatulan at sinasagot ng celebrity couple at kung minsan ay may pa-Q&A pa si Ellen sa kanyang IG followers.

Kamakailan lang ay nireplayan niya ang isang netizen na nagtanong kung meron ba silang prenuptial agreement dahil pareho raw silang galing sa mayayamang pamilya.

“I know both you and your husband are both well-off but did you guys ever consider a prenup agreement?” tanong ng kanyang follower.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot ni Ellen, “So many people ask me and Derek this and this is a very personal question so let’s put it this way, hindi ako lugi kay Derek, hindi rin lugi si Derek sa akin so patas and show.”

Ellen rumesbak sa nanglait kay Derek: Hindi rin bagay sa ‘yo makialam, bakit ganda ka?

Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending