Hirit ni Maegan Aguilar...mas magiging maayos ang buhay sa rehab kesa sa piling ng magulang | Bandera

Hirit ni Maegan Aguilar…mas magiging maayos ang buhay sa rehab kesa sa piling ng magulang

Reggee Bonoan |March 06,2023
facebook
share this

Hirit ni Maegan Aguilar…mas magiging maayos ang buhay sa rehab kesa sa piling ng magulang

Reggee Bonoan - March 06, 2023 - 02:07 PM

Hirit ni Maegan Aguilar...mas magiging maayos ang buhay sa rehab kesa sa piling ng magulang

Maegan Aguilar (Photo from Marines University YouTube)

NAGPARAMDAM na ang biological mother ni Maegan Aguilar na si Gng. Josephine Queipo sa pamamagitan ng pagsagot sa Facebook post ng kanyang anak.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa naging pahayag ng singer at anak ni Freddie Aguilar matapos magpositibo sa drug test na isinagawa sa kanya sa pamamagitan ng programa ni Sen. Raffy Tulfo.

Sabi kasi ng senador at TV host, magpa-rehab muna siya para umayos ang kanyang buhay niya at saka sila muling mag-uusap. Kapag totally okay na si Maegan ay itutuloy na ng senador ang pangako niyang tulong pinansiyal para sa pangkabuhayan, bahay at sasakyan.

Nagkomento ang ina ni Maegan na si @Josephine Queipo sa FB post ng anak, “Do the rehab Megs and doors will open up again (praying hands and heart).”

May netizen na nagtanong, marahil ay hindi niya napanood ang pag-uusap nina Sen. Raffy at Maegan. Tanong ni @Fonda De Lala, “@Josephine Queipo rehab? adik b c Megan?”

Sumagot ang isa pang netizen na si @Jennifer Buan-africa, “No, Ms Fonda to detox the traces of drugs (shabu) in her system.”

Tinanong ulit ni @Fonda De Lala, “@Josephine Queipo ikaw po b ang mother ni maegan?? @Josephine Queipo madam sana tulungan nyo po ang anak mong si Meagan kasi bilang isang magulang masakit sa atin na makitang nagdusa ang ating anak, need po nya ng financial at moral support, kawawa naman po si Meagan marami na syang masakit na karanasan anyway Ang ganda nyo po mana sayo si Meagan.”

Sinagot ni Maegan ang ina, “@Josephine Queipo, Oh hello stranger! Of course I’ll do the rehab, I have a far better chance of getting better w/ the support system there rather than having you and tatay back in my life again.”

Sumagot din si Maegan sa netizen na nagtanong kung nanay niya si. Josephine, “@Fonda De Lala ay oo sis, si Josephine Queipo nga mom ko, now you know.”

Maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang suporta at payo kay Maegan at isa rin ang dating aktor na kasalukuyang nasa ibang bansa, si Edgar Mande.

Sabi ng aktor, “Kapatid Maegan napanuod ko ‘yung interview mo kay Idol Sen Raffy Tulfo in Action sabi n’ya mag parehab ka pag nakalabas ka na.

“Tawagan mo daw sya at tutulungan ka nya…sana magawa mo yun in Jesus name Amen (three praying hands emoji),” aniya pa.

Maegan hindi pa rin nakikipagbati kay Ka Freddie; sumali sa ‘Bida Next’ ng ‘EB’ para sa panganay na anak: Don’t forget me…

Bea Alonzo itinigil na ang paghahanap sa totoong ama: ‘Hindi ko naman kailangan ng tatay kasi buo naman ako…’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristine Reyes binalikan ang trauma noong bata: I want to cut the curse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending