Tanggapin kaya ni Willie ang alok na pumalit kina Tito, Vic & Joey kapag tuluyang nawala sa 'Eat Bulaga? | Bandera

Tanggapin kaya ni Willie ang alok na pumalit kina Tito, Vic & Joey kapag tuluyang nawala sa ‘Eat Bulaga?

Ervin Santiago |March 05,2023
facebook
share this

Tanggapin kaya ni Willie ang alok na pumalit kina Tito, Vic & Joey kapag tuluyang nawala sa ‘Eat Bulaga?

Ervin Santiago - March 05, 2023 - 07:26 AM

Tanggapin kaya ni Willie ang alok na pumalit kina Tito, Vic & Joey kapag tuluyang nawala sa 'Eat Bulaga?

Willie Revillame, Joey de Leon, Vic Sotto, Tito Sotto, Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo

WALA pang reaksyon ang TV host na si Willie Revillame tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng longest-running noontime show sa Pilipinas, ang “Eat Bulaga”.

May kumalat kasing chika na si Willie raw ang gustong kunin ni Romeo Jalosjos bilang bagong  host ng “Eat Bulaga” kung tuluyan na ngang mawawala sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa chikang may malaking pagbabagong mangyayari sa management ng programa, kabilang na ang pag-alis ni Tony Tuviera bilang isa sa mga bossing ng TAPE Inc..

Sina Jalosjos at Mr. Tuviera ang mga founder ng TAPE Inc., ang producer ng “Eat Bulaga” pero ang huli ang talagang namamahala sa  noontime show na napapanood sa GMA 7.

Ayon sa report, mas malaki umano ang share ng dating kongresista sa TAPE kaya ang mangyayari raw ay ang tatlong anak na niya ang magpapatakbo sa “Eat Bulaga”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


Dahil dito, may naglabasang chika na kapag nawala na si Mr. Tuviera sa programa ay hindi na rin mapapanood sa show sina Tito, Vic at Joey dahil sa loyalty nila sa kanilang bossing.

At kung mangyayari nga ito ay balitang mawawala na rin sa “EB” ang iba pang Dabarkads tulad nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza.

Sa gitna ng kontrobersyang ito ay kumalat nga ang chika na kinakausap na umano ng kampo ni Jalosjos si Willie para maging main host ng “Eat Bulaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


Ngunit may mga nagkomento na mukhang imposible sa ngayon ang nasabing balita dahil may kontrata si Wllie sa ALLTV Channel 2 bilang host ng “Wowowin.”

Ilang linggo nang hindi nang napapanood si Willie sa live telecast o live streaming ng “Wowowin”. Ito’y matapos pansamantalang ipahinto ng AMBS Network ang pagpapalabas ng kanilang mga programa hangga’t inaayos pa ang kanilang signal.

Nauna nang nagpahiwatig ng loyalty si dating Senate President Tito Sotto kay Tony Tuviera. Hindi naman dinenay o kinumpirma nina Tito, Vic & Joey ang tungkol sa isyu.

Juliana Parizcova nadamay sa galit ng netizens kay Ella, inokray ang itsura: Yung prutas fresh pa, ‘yung mukha mo bulok na!

Willie umamin: Mahirap talagang makipag-compete sa mga noontime show, pinagdaanan ko na lahat iyan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim walang nagawang sablay para tsugihin sa ‘Showtime’; Andrea nagpaka-drag queen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending