Sigaw ng netizens kay Liza Soberano: ‘Gayahin mo si Sandara Park, nag-rebrand nang walang eme-eme!’
UNWITTINGLY ay na-compare si Liza Soberano kay Sandara Park dahil na rin sa aria ng una tungkol sa career niya.
Nag-rebrand na si Liza who wants to be called Hope now, parang diring-diri siya sa dati niyang pangalan.
Sa isang Facebook page ay na-compare si Liza, este Hope, kay Sandara who also went rebranding nang sumali ito sa isang all-female Korean group.
Wala kasing sama ng loob si Sandara sa naging career niya sa Pilipinas, wala siyang sinumbatang mga tao, hindi niya ipinahiya ang kanyang manager.
Sa tingin ng netizens, dapat gumaya si Liza, este Hope, kay Sandara na sobrang minahal ang mga Pinoy kahit na may lahi itong Korean.
Puring-puri ng netizens si Sandara dahil kahit sikat na sikat na ito sa Korea ay nagbabalik pa rin siya sa bansa para makasama kahit sandali ang mga nakasabayan niya sa “Star Circle Quest.”
Narito ang mga comments ng netizens na lumabas sa isang Facebook page.
“Sandy lang nag rebrand na walang eme eme! Pasavouge agad! Ganyan dapat Liza!”
“Si Dara until now greatful kung sinu mga taong naging dahilan bakit sya naging sandara. No wonder. Until now mahal sya ng publico.”
“Seriously. Liza should learn from Sandara.”
“Even when her mother station back then shit on her, Sandara still acknowledge where she came from.”
View this post on Instagram
“Wala talagang masamang tinapay kay ate mo. She doesn’t burn bridges but looks back with gratitude instead. Kung tutuusin, sya yung may dahilan maging bitter. Well anyway, I loved her when she was Sandara/Sandy and still love her as Dara.”
“Best example of successful rebranding.”
“From Sandy to Dara Park…Pero parehas mong minahal di ba?”
“Simple lang yan: love the industry and the industry will love you back. Dara rebranded herself but never, not once, did she trash on her past experiences dito sa Pinas, and she’s not even Filipino by blood. Kaya goodluck dun sa isa. If I were her I’d take acting workshop first.”
“Yes, Sandara Park. Nag-rebrand siya without any echos. Need not delete any photos or videos from her old agency, interacts with anyone. No drama.”
“Sandara deserves it, naman. Hindi sayang ang support ko, kahit noong mga panahon na ito ay malakas ang GMA with their reality shows and telefantasya series.”
“Sa lahat na gusto talaga mag- out sa box siya yung walang sinunog na tulay.”
“Of course Sandara Park. umalis ng tahimik and then boom ibang Sandara na at super sikat pa pero never nakalimot kung saan sya nagsimula. marunong pa din mag tagalog hanggang ngayon.”
“Rebranding herself as Dara and still proud about where she came from. Take note nagsimula sa loveteam yan (bwisit kasi yun kuya ni Hero Angeles) and nag audition for her dream.”
“Actually, kahit her former network did her dirty, she is still thankful Kasi kung di din Naman dahil sa abs – cbn di sya mapapansin ng mga entertainment agency sa Korea and she acknowledges that . Kaya tingnan mo inuulan sya ng blessings.”
“I like this. in general. like we all have our disappointments and we all want to grow. but we have to atleast acknowledge the things we learned along the way and be grateful to those who helped and mold us.”
“Si Sandara ang epitome ng term na rebrand. Hinde lang pinas ang na conquer nya. WORLDWIDE… saka pusong pinoy si krungkrung. After all these years ang galing niya pa din magtagalog. Grabe pinagdaanan nya sa SCQ. Pinaiyak ni tito boy ng maraming beses. Pero the ghoorl is GENIUS.”
Boy Abunda sa naburang contents ni Liza sa socmed: It is not hacking, it is rebranding
Sandara Park nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; Joross Gamboa may nakakalokang reaksyon
Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.