Pokwang pinalagan ang chikang nalagasan siya ng followers dahil 'bitter' raw: Baka fake account ‘yan sinasabi n’yo | Bandera

Pokwang pinalagan ang chikang nalagasan siya ng followers dahil ‘bitter’ raw: Baka fake account ‘yan sinasabi n’yo

Therese Arceo - March 01, 2023 - 12:02 AM

Pokwang pinalagan ang chikang nalagasan siya ng followers dahil 'bitter' raw: Baka fake account ‘yan sinasabi n’yo

INALMAHAN ng Kapuso actress na si Pokwang ang chika na iniwanan na siya ng mga followers dahil sa kanyang mga posts ukol sa dating partner na si Lee O’Brian.

Marami raw kasi ang tila nadismaya sa ginawang rebelasyon o pag-amin ng actress-comedienne sa naging takbo ng relasyon nila ng ama ni Malia sa “Fast Talk With Boy Abunda”.

Sa kanyang Twitter account ay ni-retweet ni Pokwang ang isang ulat patungkol sa pagkabawas ng kanyang followers na agad niyang pinabulaanan.

Aniya, sa pagkakaalam niya ay parehas pa rin ang bilang ng kanyang followers sa social media.

“Ha????? Sa pagkakaalam ko 3M pa rin followers ko sa IG at ganon pa rin 2.6M pa rin sa Twitter ahahahahahaa baka fake account ‘yan sinasabi n’yo?” saad ni Pokwang.

May isa namang nag-reply sa tweet ni Mamang na nagsabing isa siya sa mga nag-unfollow raw sa aktres.

“Hello po! Isa ako sa nag-unfollow sainyo. Siguro iilan lang kami kaya hindi nyo po ramdam. Nag-unfollow po ako sainyo dahil ayoko na nakikita kayong nasasaktan. Siguro nasanay din lang ako na strong Pokwang at hindi sa Pokwang ngayon na nasasaktan din pala. Be well po. God bless sey ng netizen kay Pokwang.

Reply naman ng Kapuso star, “i unfollow nyo yung nanakit hindi yung nasaktan.”

Makalipas ang ilang oras ay muling nag-tweet ang actress-comedienne upang itama ang naunang ini-report ng isang tabloid.

“Hello @AbanteNews look nadagdagan pa po IG ko from 2.9M last week nag 3M na po si twitter ganon parin 2.6M naman FB ko private pang friends lang, yung si Ombre ang nabawasan from 231k noq 217k bwahahhahaa FAKE NEWS!” sey ni Pokwang.

Related Chika:
Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Hirit ni Pokwang pagkatapos ng eleksyon: Sana yung mga kamag-anak at friends na nangutang sa ‘kin bayad-bayad na rin, OK?

Janno Gibbs nawalan ng 4k followers dahil sa politika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending