Hirit ni Pokwang pagkatapos ng eleksyon: Sana yung mga kamag-anak at friends na nangutang sa 'kin bayad-bayad na rin, OK? | Bandera

Hirit ni Pokwang pagkatapos ng eleksyon: Sana yung mga kamag-anak at friends na nangutang sa ‘kin bayad-bayad na rin, OK?

Ervin Santiago - May 16, 2022 - 06:01 PM

Pokwang at Andrew E kasama ang kani-kanilang pamilya

NAGKRUS ang landas ng komedyanang si Pokwang at rapper-comedian na si Andrew E sa isla ng Boracay kahapon, May 15.

But wait dear BANDERA readers, kahit super identified nga si Andrew kay dating Sen. Bongbong Marcos habang certified Kakampink naman si Pokey, walang nangyaring isnaban, dedmahan o patutsadahan nang magkita sila sa Bora.

Maraming celebrities ang magbakasyon sa iba’t ibang tourist destinations sa bansa matapos maging busy sa kampanya para sa katatapos lang na May 9, 2022 elections.

At karamihan nga sa kanila ay sa Boracay nagdesisyong maglamiyerda, tulad nina Pokwang at Andrew E, kasama ang kani-kanilang pamilya.

In fairness, maayos at marespetong nagbatian si Pokwang na lantarang sumuporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo, at si Andrew E na hayagan namang nangampanya kay presumptive President Bongbong Marcos, Jr. at presumptive Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang Instagram account ngayong araw, May 16, ipinost ni Pokwang ang litrato nila ng veteran comedian at rapper kasama ang kani-kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sabi ni Pokwang sa kanyang caption, “Sa bandang huli, respect (praying hands emoji) dito sa @twoseasonsphilippines naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo.

“Nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya (pink, red heart emojis) thank you mareng @jenny_penaloza nag enjoy si Tisay sa dinner nya (face throwing a kiss emoji),” sabi pa ni Pokey na ang tinutukoy na “Tisay” ay ang anak nila ni Lee O’Brian na si Malia.

Nauna rito, nagpahayag na rin ang Kapuso comedienne at TV host tungkol sa kanyang saloobin sa  naging resulta ng eleksyon.

Tweet ni Pokwang noong May 13, “OK tapos na eleksyon tanggap tanggap na rin ganon talaga… pero sana yung mga bmm na kamag anak at friends na nangutang sakin bayad bayad na rin ha ok?

“Tapos na mga pinaglalaban natin, pare parehong nagsalita ng di maganda sa mga kandidato natin kaya wag magmalinis ha,” chika pa ng beteranang komedyana.

Sa pinakahuling unofficial and partial results mula sa Comelec transparency server, nangununa pa rin si Bongbong Marcos sa presidential race with 31,014,175 votes habang may 14,822,051 votes naman si Leni Robredo.

Hintayin na lang natin ngayong linggo ang magaganap na proklamasyon sa mga nanalong kandidato.

https://bandera.inquirer.net/293034/andrew-e-game-na-game-pa-rin-sa-halikan-sa-pelikula-naka-jackpot-sa-2-seksing-leading-lady

https://bandera.inquirer.net/310339/pokwang-nawindang-sa-mga-madaling-makalimot-bilib-sa-mga-taong-pinapahalagahan-ang-boto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308978/andrew-e-sa-mga-um-attend-ng-uniteam-rally-sa-cavite-totoo-ang-tao-dito-walang-photoshop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending