Mister Gay World John Raspado binatikos ang mga tutol sa SOGIE bill | Bandera

Mister Gay World John Raspado binatikos ang mga tutol sa SOGIE bill

Armin P. Adina - February 28, 2023 - 11:45 AM

John Raspado

John Raspado/ARMIN P. ADINA

CITY OF SAN FERNANDO, La Union—Muli na namang naantala ang pagtalakay sa SOGIE (sexual orientation, gender identity and expression) bill sa Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ngayong buwan dahil sa pagbatikos ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan. Ikinadismaya ito ni 2017 Mister Gay World John Raspado, ang unang Pilipinong nakasungkit sa pandaigdigang titulo.

“Wala rin naman silang magagawa, eventually kasi the law evolves and the people change. So whether they like it or not, they will make a law,” sinabi niya sa Inquirer sa isang panayam sa Agora Event Center ng Thunderbird Resorts Poro Point sa San Fernando, La Union, noong Peb. 26, kung saan siya nag-judge sa preliminary event ng 2023 Mutia ti La Union pageant.

Naghayag ng pagkabahala si CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva, na isang evangelist at pinuno ng Jesus is Lord Church Worldwide, at anak niyang si Sen. Joel Villanueva, sa pagdinig sa panukala sa kani-kanilang kapulungan sa Kongreso.

Ipinakilala ang panukala 23 taon na ang nakararaan ng yumaong dating Sen. Miriam Defensor Santiago. Patuloy naman itong ipinaglalaban ng kasalukuyang tagapagsulong nito na si Sen. Risa Hontiveros mula pa noong kasapi pa siya ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ilalim ng Akbayan party-list.

Sinabi ng mga Villanueva na nakasaad sa panukala ang same-sex marriage sa bansa. Ngunit itinanggi ito ni Hontiveros at sinabing, “as I explicitly stated during my manifestation, this is not the bill that will grant marriage licenses.” Sa isang hiwalay na social media post, sinabi ng senadora na layunin ng panukala na “solve bullying” at “enhance mental health.”

Habang nagpakita ng datos kaugnay ng SOGIE-based bullying, sinabi pa ni Hontiveros: “If we say we are concerned about the future of our youth, then we should heed the data. The numbers tell a clear-cut story. As long as we are in denial, our children will continue to suffer the long-term consequences.”

Inamin naman ni Raspado na may “loopholes” ang panukala na kailangang “straightened out.” Hindi umano ito perpekto, aniya, “pero it’s a law in transition na pwede nating gawin in progress hanggang sa maitaguyod natin at maging law eventually.”

Nakiusap din siya sa mga kabilang sa LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisaexual, transgender, queer, intersex, asexual, and others) community na, kataka-taka, ay tutol sa SOGIE bill na “move on.”

Pagpapatuloy pa ni Raspado: “They need to take consideration and understand the new evolution, or the new characteristics of the LGBT right now. Kasi iyong sa kanila parang makaluma na, so ang maganda kasi tignan nila kung ano ang sitwasyon ngayon kasi napag-iiwanan na tayo ng mundo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending