Puerto Rico itinanghal na Mister Gay World; PH bet umabot sa Top 7 | Bandera

Puerto Rico itinanghal na Mister Gay World; PH bet umabot sa Top 7

Armin Adina - October 16, 2022 - 12:55 PM

Kasama ng bagong Mister Gay World na si Jose Lopez mula Puerto Rico (gitna) sina first runner-up Tony Ardolino mula sa Estados Unidos (kaliwa) at second runner-up Max Appenroth mula sa Germany./MISTER GAY WORLD FACEBOOK PHOTO

NASUNGKIT ni Jose Lopez ang unang panalo ng Puerto Rico sa Mister Gay World contest sa pagtatanghal ng patimpalak sa Artscape sa Cape Town, South Africa, noong Okt. 15 (Okt. 16 sa Maynila).

Humakot din siya ng parangal sa unang live na pagtatanghal ng patimpalak mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic noong 2020. Tinanggap niya ang mga parangal na Best Social Media Presence, Best in National Costume, Best Sports Challenge, at Best in Swimwear.

First runner-up si Tony Ardolino mula sa Estados Unidos, habang second runner-up si Max Appenroth mula sa Germany, ang unang transgender na kandidato sa taunang patimpalak, na ginawaran din ng mga parangal na Best in Personal Interviews at Best Social Media Campaign.

Pinatid ni Jhapett Raymundo ang tatlong sunud-sunod na panalo ng Pilipinas sa patimpalak at nagtapos sa Top 7. Siya rin ang Best in Formal Wear. Walo ang mga kandidato ngayong taon.

Ang Pilipinong si Janjep Carlos ang nagwagi sa huling edisyon ng patimpalak bago nagsimula ang COVID-19 pandemic. Naghahanda na ang mga organizer sa isang pagtatanghal para sa ikalawang kwarter ng 2020 ngunit nadiskaril ang mga plano nila dahil sa pandaigdigang krisis pangkalusugan.

Dalawang virtual competitions ang isinagawa para sa mga edisyon ng 2020 at 2021, at ang mga Pilipinong sina Kodie Macayan at Joel Rey Carcasona ang nagwagi. Umangat si Carcasano sa trono nang bitawan ang titulo ng winner na si Louw Breytenbach mula sa South Africa.

Si John Raspado ang unang Pilipinong hinirang bilang Mister Gay World nang daigin niya ang 20 iba pang kalahok sa patimpalak na itinanghal sa Espanya noong 2017. Nananatiling ang Pilipinas ang pinakamahusay na bansa sa taunang paligsahan na may kabuuang apat na panalo mula nang nagsimula ang contest noong 2009.

Sinabi ng pangulo at founder ng Mister Gay World na si Eric Butler na isa itong “collective space to see the coming together of the gay men across the world, to share an international stage and amplify their purpose in sole pursuit of equal access to human rights, social and political acceptance, tolerance, and inclusion.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending