Xian Gaza may bagong blind item, involved nga ba sina Skusta Clee at Ava Mendez? | Bandera

Xian Gaza may bagong blind item, involved nga ba sina Skusta Clee at Ava Mendez?

Therese Arceo - February 23, 2023 - 08:07 PM

Xian Gaza may bagong blind item, involved nga ba sina Skusta Clee at Ava Mendez?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang bagong blind item na inilabas ng “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza.

Marami kasi sa mga netizens ang nag-iisip kung ang tinutukoy ba ng social media personality ay ang rumored couple na sina Skusta Clee at Ava Mendez.

“Sinetch itey na famous rapper na may anak tapos delayed ngayon ang dyowa,” saad ni Xian sa kanyang Facebook post na ngayo’y burado na.

Chika ng mga netizens, swak na swak raw ang description kay Skusta dahil kilala itong rapper at may anak ito sa vlogger na si Zeinab Harake at kasalukuyan ngang may something sa Vivamax bombshell na si Ava.

Bukod pa rito, may pasabog pa si Xian na may isang sexy star raw na nag-follow sa kanya at bigla ring nag-unfollow agad.

“Question, ano meaning kapag finollow ka tapos inunfollow din agad? “Napindot lang? Or moody kasi pre…..” tanong nito sa kanyang followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

Hirit pa ni Xian, “Brb ask ko lang Skusta Clee.”

Kahapon lang nang isulat namin na tila nagkakalabuan na sina Skusta Clee at Ava base na rin sa patutsadahan nila sa social media.

So kung true nga ang chika ni Xian, ito kaya ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema ang samahan nina Ava at Skusta?

Matatandaang nitong Disyembre lang nang ma-ispatan na magkasama ang dalawang nag-celebrate ng Pasko. Nag-post pa nga ang dalawa sa Instagram ng mga larawan nila together ngunit wala namang kumpirmasyon kung ano nga ba ang real score sa pagitan nila.

Bukas naman ang Bandera para sa panig nina Xian Gaza, Ava Mendez, at Skusta Clee hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Ava Mendez, Skusta Clee ibinandera ang ‘harutan’ sa gitna ng kalsada, magdyowa na talaga!

Xian Gaza kay Paolo: Kahit ano pang isyu mo sa mga nanay ng anak mo obligasyon mo pa ring magpadala ng sustento

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Skusta Clee hiwalay na kay Ava Mendez, true kaya o gimik lang?

Skusta Clee, Ava Mendez engaged na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending