Sharon idedemanda ang mga online seller na gumagamit sa pangalan at litrato niya para makabenta | Bandera

Sharon idedemanda ang mga online seller na gumagamit sa pangalan at litrato niya para makabenta

Reggee Bonoan |February 22,2023
facebook
share this

Sharon idedemanda ang mga online seller na gumagamit sa pangalan at litrato niya para makabenta

Reggee Bonoan - February 22, 2023 - 08:34 AM

Sharon idedemanda ang mga online seller na gumagamit sa pangalan at litrato niya para makabenta

Sharon Cuneta

LAGOT! Nagalit na si Megastar Sharon Cuneta sa mga online seller na ginagamit ang pangalan niya para makapagbenta ng kanilang produkto.

Ilang kilalang personalidad na ang nabiktima ng mga sindikato sa internet na ginagamit ang kanilang mga mukha sa kanilang mga promo materials na inilalabas sa social media.

Napakinggan namin ang kuwento ni Romel Chika sa radio progam nila ni Nanay Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute” na napakikinggan sa Radyo Singko, 92.3 News FM.

Aniya, “Dapat bigyan na po talaga ng aksyon dahil nabiktima na ngayon ang Megastar na nananahimik. Kung anu-anong mga advertisement at endorsements na lumalabas na hindi naman alam ni Sharon Cuneta na ginagamit ang pictures nya.”

Hirit naman ni ‘Nay Cristy, “At may in-edit pang picture niya, di ba? Panahon na po para bigyan ng leksyon ang mga taong gustong kumita pero ayaw pong mamuhunan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“Panahon na rin po para turuan ng leksyon ang mga taong hindi parehas lumaban. Isipin n’yo po si Sharon Cuneta, nagugulantang na lang po siya, nag-e-endorse na pala siya ng kung anu-ano?” sabi pa ng veteran columnist at host.

Sabi naman ni Romel Chika, ang ginamit pang account ng Megastar ay kapareho ng official Facebook account niyang “reallysharoncuneta” na nilagyan ng watermarks na fake Facebook account.

Tanong nga ni ‘Nay Cristy na para lang makabenta ng produktong bitamina at pampayat ay manloloko na ng mga tao ang online seller na ito.

At kaya rin magdedemanda si Sharon ay para maging babala ito sa mga publikong naniwala kaya bumili ng produkto kasi nga ang idol nilang Megastar ang endorser na hindi naman true.

“Oo totoo ‘yan. Magkaroon na tayo ng leksyon kay Luis Manzano (biktima ng Flex fuel pero siya ang hinahabol ng investors dahil naniwala sila sa TV host bilang ginawang chairman of the board ng may-ari ng gasolinahan na nagkataong bestfriend ito ni Lucky).

Samantala, biktima rin ng clickbait sina ‘Nay Cristy at Romel Chika na sila ang naglabas ng isyung tinanggihan nina Coco Martin at Miles Ocampo ang imbitasyon ni Toni Gonzaga-Soriano para sa YouTube channel nitong “Toni Talks.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“Nakakaloka mayroon isang vlog na inilabas na tayong dalawa raw ang nagsalita laban kay Toni Gonzaga tungkol sa pagtanggi na mag-guest ni Coco Martin at ni Miles Ocampo. Never nating pinag-usapan ‘yun nilagyan pa ng video nating dalawa,” sabi ng online host.

Ipinagdiinan pa ni ‘Nay Cristy na, “Clickbait po ‘yan ang dami-daming ganyan. Huwag po kayong maniniwala, piliin lang po ninyo ang kapuri-puri at mga hindi magsasayang ng panahon natin ng mga vlog.”

Anyway, nasa abogado na raw ni Sharon ang tungkol sa isyung ito at inaaral na ang lahat-lahat para sa isasampang kaso sa mga online sellers.

Carla Abellana kakasuhan ang brand na gumagamit sa kanya: This is false advertisement!

Ogie Diaz nabiktima ng scammer: ‘Grabe na ang holdap ngayon, nabawasan na sa kalye dahil digital na sila! Kakapal ng mukha!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending