Ogie Diaz nabiktima ng scammer: 'Grabe na ang holdap ngayon, nabawasan na sa kalye dahil digital na sila! Kakapal ng mukha!' | Bandera

Ogie Diaz nabiktima ng scammer: ‘Grabe na ang holdap ngayon, nabawasan na sa kalye dahil digital na sila! Kakapal ng mukha!’

Reggee Bonoan - January 11, 2023 - 11:32 AM

Ogie Diaz nabiktima ng scammer: 'Grabe na ang holdap ngayon, nabawasan na sa kalye dahil digital na sila! Kakapal ng mukha!'

Ogie Diaz

GINAMIT si Ogie Diaz ng isang online seller na nagbebenta ng mga pampaswerte sa feng shui gamit ang account name na Ogie Diaz Vlog sa Facebook.

Bukod sa feng shui item ay may post din sa nasabing FB page na bumili raw siya ng kutsilyo made in Japan.

Pinalalabas umano ng manlolokong online seller na nagsisisi si Ogie dahil napamahal siya sa nabili niya sa mall kung ikukumpara sa online seller na malaki ang pagkakaiba ng presyo sa parehong produktong binebenta.

Ginagamit ng manlolokong online seller ang mga larawan ni Ogie kasama ang buong pamilya na dinudukot sa legit na FB account nito kaya kung hindi mo siya personal na kilala ay maniniwala ka.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


Sabi nga ni Ogie sa nirepost niyang larawan niya na kunwari umiiyak dahil napamahal sa nabili at nakatawa dahil mura ang nabili niya sa online seller na manggagamit.

Caption nito, “Grabe na ang holdap ngayon. Nabawasan na sa kalye, nasa digital na sila.’ Yung ka-inosentihan at ka-ignorantehan ng mga tao ang kanilang susi para makapambiktima ng mga nilalang.

“Ilang beses na rin akong biktima ng ilang mapagsamantalang tao, kaya yung iba sa kanila, kinuha na ng kalaban ni Lord.

“Gusto ko lang kayong warningan na ‘wag po kayong magpapaniwala dito. Kakapal ng mukha. Pinapa-ads pa talaga.

“Ni-report ko na at ng mga friends ko, baka busy masyado si FB or baka nakapila pa ako.

“Hindi po ito totoo. Hindi po legit at lalong wala po akong kinalaman sa mga kung ano-anong ibinebenta ng fake pages na ito na ginagamit ako para makapambudol.

“Sana, magtrabaho sila nang matino. Lumaban kaya kayo ng patas sa buhay, no? Mahirap ba yon?” ang setimyento ng talent manager.

As of this writing ay wino-work out na raw for removal ang fake account ng online seller na ginagamit si Ogie para makabenta ng produkto.

Kaya mga ka-BANDERA triplehin ang pag-iingat ngayon dahil parami pa nang parami ang mga online scammer.

Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer

Sharon naging instant fan ng pagla-live selling ni Mariel: Tuwang-tuwa ako sa ‘yo bebe! Ang cute mo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Madam Inutz binastos, minaliit ng ex-boyfriend: Sabi niya sa akin ‘useless ka, wala kang silbi!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending