Bakit lumiliit ang itlog kapag matindi ang init ng panahon?

Bakit lumiliit ang itlog kapag matindi ang init ng panahon?

Ervin Santiago - April 29, 2025 - 06:00 AM

Bakit lumiliit ang itlog kapag matindi ang init ng panahon?

File photo

LUMILIIT at nababawasan pala ang sukat at bigat ng mga itlog kapag talagang matindi ang init ng panahon.

Kaya naman inaasahan na naman ang ganitong senaryo pagdating sa bentahan ng mga itlog ngayong taon dahil sa matinding init ng panahon sa bansa.

Noong nakaraang taon pa ibinahagi ng Egg Board Association ang tungkol sa posibleng pagliit ng mga ibinebentang itlog sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay EBA president Francis Uyehura, dahil sa heat stress ng mga inahing manok, dulot ng El Nido Phenomenon, humihina ang pagkain ng mga ito kaya ang resulta, bumaba ang produksyon ng mga itlog at pagliit nito.

“Generally, lahat ng farm producer ay nakakaranas na ng problema sa sobrang init.

“Number one na epekto ng sobrang init ay ‘yung paghina ng pagkain ng manok na resulta ng pagbaba ng egg production at pagliit ng sizes.

“Nagkakaroon ng imbalance, mas marami yung maliliit,” ang pahayag ni Uyehura sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

Nabanggit din na tumataas ang chicken mortality bilang resulta ng matinding init, lalo na raw sa hilagang bahagi ng bansa.

“The intense heat will not have an effect on the nutritional value of the egg. The problem is the eggs are getting smaller.

“If before, farmers are getting large or XL eggs, now there are more small or even extra small eggs,” saad pa ni Uyehura sa panayam sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending