Sharon naging instant fan ng pagla-live selling ni Mariel: Tuwang-tuwa ako sa 'yo bebe! Ang cute mo! Bandera

Sharon naging instant fan ng pagla-live selling ni Mariel: Tuwang-tuwa ako sa ‘yo bebe! Ang cute mo!

Ervin Santiago |April 03,2022
share this

Sharon naging instant fan ng pagla-live selling ni Mariel: Tuwang-tuwa ako sa ‘yo bebe! Ang cute mo!

Ervin Santiago April 03, 2022 - 09:17 AM
Sharon Cuneta enjoy na enjoy sa pa-love selling ni Mariel Rodriguez

Sharon Cuneta at Mariel Rodriguez

ENJOY na enjoy si Megastar Sharon Cuneta sa panonood habang nagla-live online selling sa Facebook ang kaibigan niyang si Mariel Rodriguez.

Talagang tumambay ang OPM at movie icon sa FB page ni Mariel nang sumabak ito sa pagbebenta ng kanyang pre-loved items last Wednesday night March 30, na inabot ng hanggang madaling-araw ng Huwebes, March 31.

In fairness, hindi lang si Sharon ang tumutok sa online selling ni Mariel kundi maging ang iba pang celebrities kabilang na ang kanyang mister na si Robin Padilla na super busy ngayon sa pangangampanya.

Sa isang bahagi nga ng FB Live ng TV host, makikita ang sunud-sunod na comments ni Sharon, “Tuwang tuwa ako sayo bebe!!! Hahahaha ang cuuuuuuute mo!!!”

“Ang galing natututo ako!!!!” hirit pa ni Sharon habang nakatutok sa pagbebenta ng misis ni Binoe na nang sandaling iyon ay ang kanyang Louis Vuitton shoes na ang iniaalok sa viewers at miners.

At nang makita nga ang komento ni Mega ay biglang tumigil si Mariel sabay sabing, “Awww, maraming salamat po, Mega. Thank you so much, Ma’am. Thank you so much, Inay.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Reply naman ni Sharon, “Wag mo nga ako mina MAM! Inay tama!” Na sinagot ni Mariel ng, “Inay, maraming-maraming salamat for watching.”

Tinanong din ni Mariel si Sharon, “Ano bang size niyo po, Mega?” sabay dugtong ng “…paa, ng paa. Kasi alam ko sa katawan, small na po kayo.”

Tugon ni Sharon “size 10” daw ang sukat ng kanyang paa.

Napa-comment din si Sharon sa pag-“mine” ni Robin sa Chanel bag na ibinebenta ni Mariel. Ang aktor na ang bumibili kapag alam niyang favorite ni Mariel ang ibinebenta nito para hindi na mapunta sa iba.

Reaksyon ni Sharon sa pagma-mine ni Binoe, “Ahahahahahaha! Kambal binili uli para kay misis!!!!!!” “Kambal” ang term of endearment ni Mega kay Robin na dati rin niyang boyfriend.

Matatandaang nabanggit ni Mariel sa isa niyang Instagram post na finally ay natupad na niya ang kanyang dream na maging online seller.

Pag-amin niya, “Mahirap pala maging online seller, kakapaos.

“Thank you soooooooooo much!!!! Big big big big thanks to everyone who participated in last night’s live selling!!! So happy because nagustuhan niyo ang bagsak presyo items from my hoarding days. Thank you!!!!

“Apologies because it was so hard for me because ang daming comments I couldn’t read all. Hopefully i can find more items here hahaha and we will have a part 2 because i know may maibubuga pa ako.

“In the meantime i ask for your patience because my team is currently answering all your messages. Pls bear with us!!! Suuuuuuuuper thanks!!!” mensahe pa ni Mariel.

Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin

Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending